MMDA supports Isko’s ‘Pagkain sa Basura’ program

Aileen Cerrudo   •   May 24, 2019   •   9354

Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso | Courtesy : Facebook Page

The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) supports Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso’s platforms including the ‘Pagkain sa Basura’ program.

MMDA Chairman Danilo Lim said they will cooperate with the mayor elect to lessen the waste in Manila.

“Kami ay makikipagtulungan kay Isko Moreno para sa Maynila kung ano ang problema ng basura dito ay walang dahilan kung bakit hindi iyan maa-address kung tayo’y makikipatulungan sa mayor (We will cooperate with Isko Moreno for Manila. There is no reason it [garbage problem] will not be addressed if we cooperate with the mayor),” he said. 

According to MMDA’s Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), 400 truckloads of garbage were collected from the Manila Bay cleanup. This is equal to 3,018 cubic meters of rubbish and silt collected from January 27 to May 17.

Lim assured they will continue the clearing operations on Manila’s waterways.

“Pati ang mga canal, drainage kine-clear natin iyan para iyong pagbaha, magtatag-ulan na naman so tuloy-tuloy ‘yan hindi tuwing bago magpasukan, (We will clear the canals, and drainage to avoid flooding during rainy season. So we will continue this before the school opens)” Lim added. 

The department also said they plan to install cisterns or tanks in preparation for the rainy season. However, they are still deciding on which areas to install them.

Lim reiterated that the Department of Public Works and Highways (DPWH) should coordinate with them in order to place cisterns in Manila.

Mayor Isko, pinabulaanan ang ulat na hard lockdown sa buong Maynila

Robie de Guzman   •   May 22, 2020

MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang balitang isasailalim sa hard lockdown ang buong lungsod sa mga susunod na araw.

“Huwag po kayong magpapaniwala sa mga sabi-sabi na maglolockdown dito maglolockwon doon dahil kung mayroon man pong ganun ay ako po mismo ang mananawagan sa media,” ani Domagoso.

Ginawa ng alkalde ang paglilinaw kasunod ng mga ulat na ilalagay sa lockdown ang maraming barangay kasunod ng pamamahagi ng pinansiyal na ayuda mua sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Isko, dumadaan sa masusing pag-aaral bago mailagay sa hard lockdown ang isang lugar.

Kailangan ding may mataas na kaso ang isang barangay upang maikunsidera itong isailalim sa mas mahigpit na quarantine measure.

Sa pinakahuling ulat, aabot na sa 1,152 ang nag-positibo sa coronavirus sa lungsod ng Maynila. Tatlumpu’t tatlo rito ang bagong kaso. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Mabigat na trapiko, naranasan sa Metro Manila sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng mga kumpanya

Robie de Guzman   •   May 18, 2020

MANILA, Philippines – Mabigat na trapiko ang naranasan sa ilang lansangan sa Metro Manila ngayong Lunes, Mayo 18 kasunod ng pagbabalik-operasyon ng ilang kumpaya sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ni UNTV Correspondent Asher Cadapan, Jr. sa Ito ang Balita, partikular na naranasan ang mabagal na daloy ng mga sasakyan sa Marcos Highway na boundary ng mga lungsod ng Pasig at Antipolo.

Ayon kay Edison “Bong” Nebrija, ang EDSA Traffic Czar ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bumigat ang trapiko dahil sa ipinatutupad pa ring quarantine control points o checkpoints.

Mas naging dama aniya ang bagal ng galaw ng trapiko dahil sa mataas na volume ng sasakyang nasa kalsada ngayong araw kumpara noong naka-ECQ pa ang Metro Manila at mas limitado ang mga taong pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan.

“Iba na y’ong volume ng vehicles kapag nasa general community quarantine at saka MECQ. Mas marami na po ngayon at very significant y’ong naging delay sa mga checkpoint because of the volume. Siyempre, marami po talaga mag-i-inspect saka hahaba po talaga y’ong queueing na tinatawag,” ani Nebrija.

Nasa ilalim na ng MECQ ang ilang lugar, kabilang na ang Metro Manila simula noong May 16.

Sa ilalim ng hakbang na ito, pinapayagan ang pagbalik ng kalahating porsyento ng operasyon at workforce ng mga negosyo at opisina ngunit obligado silang magpatupad ng safety at health protocols.

Kailangan ding maghanda sila ng shuttle bus o kaya ay mga pribadong sasakyan na maghahatid-sundo sa mga empleyado lalo’t suspindido pa rin ang operasyon ng public transportation sa ilalim ng MECQ.

Gayunman, limitado lang ang maaaring isakay rito at kailangang nakasunod sa physical distancing ang mga pasahero sang-ayon sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID.)

Bunsod nito, mas dumami ang mga sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila, pati na ang mga nagbibisikleta sa kalye.

Ayon kay Nebrija, inaasahan na nila ito dahil sa limited seating capacity ng mga sasakyang papayagang bumiyahe sa ilalim ng MECQ.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga taong pipiliing mag-bisikleta na lamang papasok sa kanilang trabaho, sinabi ng MMDA official na pinag-uusapan na ng mga kinauukulang ahensiya ang paglalagay ng “protected bike lanes” sa kahabaan ng EDSA.

“It’s on the table already na papaano natin bibigyan ng bike lane; hindi lang basta-basta bike lane lalong lalo na sa EDSA kundi protected bike lane,” ani Nebrija.

“Kasi ‘pag nag-transition na tayo sa GCQ, everybody will be there and we do not want na ma-mix y’ong mga bisikleta sa with private vehicles, public transport or motorcycles,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw rin ni Nebrija na nananatiling suspindido ang number coding scheme sa Metro Manila upang magamit ng mga empleyado ang pribado nilang sasakyan sa pagpasok sa trabaho. – RRD

MMDA builds own isolation facility for personnel exposed to COVID-19 cases

Robie de Guzman   •   May 8, 2020

MANILA, Philippines – The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) said it has put up an isolation facility to accommodate its employees exposed to cases of novel coronavirus disease (COVID-19).  

The 80-square meter facility with 48-bed capacity was built within the agency’s headquarters in Makati.

“We have built our own COVID-19 isolation facility for asymptomatic MMDA personnel,” MMDA chairman Danilo Lim said in a statement.

“This facility will serve as temporary holding area for our employees who need to undergo mandatory 14-day quarantine in accordance with the Department of Health’s protocols,” he added.

The facility has been divided into two sections: one for those with negative rapid test result and the other for those with positive result and/or awaiting confirmatory tests.

The MMDA said that each section of the isolation facility has a 24-bed capacity equipped with shower rooms, comfort rooms and lavatories.

The rooms are fully-air conditioned, with wi-fi connection and will be regularly cleaned and sanitized, it added.

The Agency’s COVID-19 Committee, in coordination with the Medical Clinic and Administrative Services, will be managing the isolation facilities.

“An MMDA employee exposed to a COVID-19 case without any symptom will be made to undergo rapid test at MMDA, and when the result is negative, the employee will be admitted to the isolation facility for the mandatory 14 day quarantine period as a precautionary measure per DOH protocol,” Lim said.

Those who will manifest symptoms will be immediately referred to an appropriate COVID-19 facility, he added.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.