Naipamahaging ayuda sa NCR, higit 29% pa lang – Malakanyang

Robie de Guzman   •   August 16, 2021   •   273

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na hindi palalawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila kung walang mabibigay na pang-ayuda sa mga lubos na maaapektuhan nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hahanap ang pamahalaan ng paraan upang makapagbigay ng ayuda sa mga higit na nangangailangan nito sa gitna ng pandemya.

“All I can say is walang ECQ kung walang ayuda. Kung wala na pong available, hahanap at hahanap po tayo and if need be, dun po tayo pupunta sa Kongreso for supplemental budget,” ani Roque.

Sa ulat ni Roque, nasa 29.31 porsiyento pa lang o katumbas ng P3.29 bilyon na ang naipapamahaging ayuda sa Metro Manila as of August 15.

Nasa ikalawang linggo na ang ipinaiiral na ECQ sa Metro Manila, pero sa ngayon aniya ay wala pang rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa ipatutupad na quarantine status pagkatapos ng Agosto 20.

Ngunit pagtitiyak ni Roque, ibabatay ang susunod na quarantine classification sa datos ng COVID-19 situation sa bansa, healthcare utilization rate at mga payo ng mga eksperto.

Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na sa ngayon ay hindi pa makikita sa ngayon ang epekto ng ECQ reimposition sa daily COVID-19 cases subalit hindi umano ito nangangahulugang hindi epektibo ang ipinatutupad na interventions.

“As I’ve said, after the ECQ, we wait for about 2-3 weeks before we can see the initial effects of these restrictions. Nung tumaas kaso ng March at April, unti-unti bumaba kaso towards end of April and early part of May, 2nd week of May yata. Nakita natin talagang nagluwag mga ospital towards end of May already. Ganun talaga. There is this incubation period of the virus,” ang pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa Martes nakatakdang magpulong ang IATF kaugnay ng quarantine classification sa Metro Manila.

Hindi rin inaasahang mababanggit ang isyu sa public address ni Pangulong Duterte ngayong Lunes ng gabi. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Phl logs lowest new COVID-19 cases since July 2020 at 665

Maris Federez   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines — The Department of Health (DOH) recorded 665 new coronavirus disease (COVID-19) cases Monday (November 29), the lowest single-day count since July 2020.

This brings the country’s tally since the onset of the pandemic to 2,832,375.

Meanwhile, active infections continued to dip to 16,289.

Of these cases, 48.1 percent are mild, 23.82 percent are moderate, 15.6 percent are severe, 6.6 percent are in critical condition and 6.0 percent have no symptoms.

Meanwhile, total recoveries rose to 2,767,585 after 993 more patients recuperated from the disease.

On the other hand, COVID-related deaths climbed to 48,501 with 141 new fatalities.

The DOH noted in its report that all accredited testing laboratories in the country were operational on November 27 but five laboratories failed to submit data on time.

Meanwhile, the Johns Hopkins University reported that the overall global COVID-19 caseload has reached 261,519,267; while the deaths have surged to 5,199,920.

The US, the report said, is the worst-hit country with the world`s highest number of cases and deaths at 48,229,273 and 776,639, respectively.

 

NCR to remain under COVID-19 Alert Level 2 until Dec. 15

Maris Federez   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Monday (November 29) the recommendation to still place the National Capital Region under COVID-19 Alert Level 2.

In an advisory released Monday night, acting presidential spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles said that the following areas have also been placed under Alert Level 2:

  • Cordillera Administrative Region: Benguet, Abra, Kalinga, Baguio City, Mountain Province, and Ifugao;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, and Pangasinan;
  • Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, and City of Santiago;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Zambales, and Tarlac;
  • Region IV-A: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, and Lucena City;
  • Region IV-B: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, Marinduque, Romblon, and Palawan;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Masbate, and Naga City;
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, and Negros Occidental;
  • Region VII: Bohol, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Negros Oriental, and Siquijor;
  • Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Ormoc City, Southern Leyte, Tacloban City, and Western Samar;
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, and Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Camiguin, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental, and Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao Oriental;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, and Sultan Kudarat;
  • Region XIII (Caraga) Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Dinagat Islands, and Agusan del Norte; and
  • The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Sulu, Lanao del Sur, and Maguindanao.

The province of Apayao, however, shall be placed under Alert Level 3.

Nograles added that the said Alert Level shall be effective from December 1 to 15, 2021.

Border checkpoints, muling ipatutupad sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila – PNP

Robie de Guzman   •   November 29, 2021

MANILA, Philippines – Handa ang Philippine National Police (PNP) na muling ipatupad ang border checkpoints sakaling itaas ang alert level sa Metro Manila kasunod ng banta ng Omicrcon COVID-19 variant.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, ilalagay ang checkpoins papasok at palabas ng Metro Manila upang malimitahan ang galaw ng publiko at mapigilan ang posibleng pagkalat ng bagong variant.

“As long as it will be of help maprevent natin ang variant natin ito, Kasama po kami ng buong gobyerno para pangalagaan po ang ating mamamayan para hindi na kumalat itong ating hindi nakikitang kalaban na COVID-19 virus,” ani Carlos.

Handa rin aniya ang PNP na muling ipatupad ang paggamit ng face shield kung ipag-uutos ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“We will always abide with the IATF kung yan ay makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus, we will leave it up to the experts. Kaya nga po palagi kaming nagbabantay sa lumalabas na resolusyon ng IATF at nandyan naman po yan e, ang aming mga face shield ay inilagay lang muna namin sa tabi pero andyan pa din po anytime,” ani Carlos.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Metro Manila sa gitna na rin ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 infections.

Tiniyak rin ng PNP na paiigtingin ng Aviation Security Group sa pagbabantay sa mga paliparan sa bansa sakaling muling ipagbawal ang pagbiyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang lugar.

Pina-alalahanan rin ni Carlos ang mga pulis na mag-doble ingat upang huwag mahawa ng viral respiratory disease. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.