‘No quarantine pass, no entry’, imumungkahing ipatupad sa shopping malls na nasa MECQ areas – Eleazar’

Robie de Guzman   •   May 18, 2020   •   123

MANILA, Philippines – Isusulong ng Joint Task Force for Coronavirus (JTF CV) Shield ang mas maigting na pagpapatupad ng “no quarantine pass, no entry” policy sa shopping malls na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) gaya ng Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni JTF CV Shield Commander Police Lieutenant Guillermo Eleazar na nakatakda silang makipag-pulong sa security managers ng malls sa Metro Manila upang ilatag ang kanilang suhestiyon upng mabawasan ang pagdami ng mga taong nagpupunta sa malls sa gitna ng community quarantine.

“Kapag wala kang quarantine pass, ibig sabihin hindi ikaw ang pinayagan ng local government unit na mag-represent ng household mo para pumunta sa sa mga establisyimento na permitted to operate,” ani Eleazar.

Imumungkahi rin nila na huwag papasukin ang mall goer na may hawak ngang quarantine pass ngunit naka-rehistro naman sa ibang lugar.

“Ang quarantine pass mo taga-Caloocan ka pero nasa Mandaluyong ka, hindi ka pa rin papapasukin,” paliwanag ng opisyal.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag kasunod ng mga ulat na dumagsa ang maraming tao sa shopping malls na nagbukas na nitong weekend matapos ilipat sa MECQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Kabilang ang malalaking malls sa mga establisimyento at opisina na pinapayagan nang mag-bukas ng kalahati ng kanilang operasyon at workforce.

Alinsunod sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kailangang maipatupad ng mga kumpanya at opisina ang minimum health standards kagaya ng physical distancing, temperature checking at face mask-wearing.

Nakasaad rin sa guidelines na essential at non-leisure stores lang ang pwedeng magbukas, kabilang na rito ang hardware stores, office supplies at clothing and accessories stores.

Limitado lang din ang mga pwedeng pumasok sa loob ng mall, hindi rin lahat ay puwedeng sumakay ng elevator, at dapat ay nakasara ang WiFi connection at mahina ang aircon upang maiwasan ang pagtambay sa loob ng establisimyento.

“Ang maximum number na allowed sa mall, considering sa computation of the common areas na ang formula daw don na sinasabi nila ay 1 customer per 2 square meters ngayon pag yung bilang na yun ay naabot na, wala nang pappasukin unless may lumabas na iba,” ani Eleazar.

Nakasaad rin sa guidelines na kada 30 minuto magsasagawa ng disinfection sa comfort rooms at kailangang may distansya ang mga upuan sa labas ng restaurants para sa mga customer na naghihintay ng takeout order. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

ALAMIN: Health protocols para sa barbershops at salons na magbubukas simula June 7

Robie de Guzman   •   May 30, 2020

MANILA, Philippines – Papayagan na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga salon at barbershops sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) simula sa June 7.

Sa bisa ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 Resolution No. 41, 30% capacity ng mga salon at barbershop ang papayagang mag-operate at madagdagan ito ng hanggang 50% pagkatapos pa ng dalawang linggo.

Ang mga salon at barbershop naman sa mga lugar na nasa modified general community quarantine, 50% na ng kabuuang operational capacity ang pinapayagan at magiging 100% ito pagkatapos pa ng tatlong linggo.

Ngunit paglilinaw ng Malacañang, limitado lamang sa paggugupit ang operasyon ng mga barberya at salon at bawal pang ialok ang ibang serbisyo.

“Wala pa ring facial, wala pa rin sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eyebrows hanggang gupit lang tayo,” ang sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bilang gabay naman sa mga magbubukas na barberya at salon, inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sumusunod na panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease:

  • Istriktong pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing measures.
  • Kailangang maglaan ng 10 minutong interval sa bawat customer para bigyang-daan ang paglilinis o sanitation ng mga ginamit na kasangkapan at pasilidad.
  • Pinagagamit rin ang barbershops at salon ng alternatibong paraan ng appointment gaya ng online at text messaging upang maiwasan ang walk-in.
  • Kailangan ding may nakalagay na mga marker sa loob ng shop na indikasyon kung saan lang maaaring pumuwesto ang mga customer.
  • Hindi rin hinihikayat ang pagdadala ng kasama liban na lamang kung kinakailangan.
  • Dapat nakasuot ang mga tauhan ng shop ng personal protective equipment gaya ng face mask, face shield, salamin sa mata, gloves at hair caps.
  • Kailangang naka-sapatos at laging maghuhugas ng kamay ang mga empleyado.
  • Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng physical contact sa pagbabayad, at sa halip ay gagamit ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera.

Bago pumasok sa shop ang customer, narito ang mga dapat gawin:

  • Dumaan sa foot bath o floor mat na may disinfectant.
  • Kailangan kunan ng temperatura at lagyan ng alcohol ang mga kamay ng customer.
  • Sagutan ng kliyente ang health checklis na ibibigay ng shop.
  • Ang mga dalang gamit ng mga kliyente ay dapat i-disinfect at ilagay sa sanitary plastic bags.

Pinaalalahanan rin ang mga customer na bawal magsuot ng alahas gaya ng singsing, bracelets, relo at hikaw.

Ayon sa DTI, dapat naka-paskil sa loob ng shop ang mga guidelines na ito.

“It’s for the safety of their workers, ‘yung mga nagtatrabaho doon sa salon at yung mga customers nila itong ginagawa natin protocol,” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Ayon sa DTI, mahigit sa 400-libong manggagawa ang matutulungan sa pagbubukas ng nasa 45-libong malalaki at maliliit na barbership at salon.

Paalala naman ng ahensiya, maaaring muling ipasara ang mga nasabing establisimyento kung lalabag sa mga inilatag na health at safety protocols. – RRD (mula sa ulat nina Correspondent Rosalie Coz at Rey Pelayo)

TNVS gears up as operations resume on June 1

Aileen Cerrudo   •   May 30, 2020

The Transport Network Vehicle Service (TNVS) industry is already preparing for the resumption of operations on June 1 when Metro Manila finally shifts to General Community Quarantine (GCQ).

TNVS driver Noel Guimbaolibot has added plastic covers and disinfectant solutions in his car as part of the minimum health standards for public transportation.

Noel is looking forward to the resumption of operations since he hasn’t been able to earn for over three months because of the coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

He said he has to brave the risk of getting infected in order to earn for his loved ones.

“Sa ngayon, hindi pa naman nawawala iyong COVID-19. Ang pinakamaganda talaga ay lagi lang maging maingat. Magsuot ng face mask every time, mag-spray ng alcohol, (COVID-19 is not going away just yet. It would be best to always be careful. Wear a face mask and spray alcohol),” he said.

Grab PH will be implementing new protocols for their partner-drivers in accordance with the directives of the Department of Transportation (DOTr).

Before being allowed to operate, Grab PH’s partner-drivers will have to answer a checklist to determine if they are fit enough to operate. They will also undergo training to make sure they are following health protocols.

Cashless system will also be encouraged to avoid direct contact. Drivers will also be allowed to cancel their booking if the passenger is not wearing a face mask. Likewise, passengers may also cancel their booking if the driver is not wearing a face mask.

Grab PH president, Brian Cu assures that they will not implement any fare hike as operations resume. However, they will appeal to the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) for a five-peso fare increase by next month.

“The disinfection kits and disinfection measures are an added cost for them, to the drivers, so we made a proposal to the LTFRB to raise the per trip cost by a fixed amount to help cover these items,” he said.

Meanwhile, TNVS drivers are not required to undergo COVID-19 testing before resumption of operations unless they are experiencing COVID-19 like symptoms. Grab PH has test kits prepared for their partner drivers. AAC (with reports from Joan Nano)

Belmonte, nanindigan sa ipinaiiral na ‘no fitting’ at ‘no return, no exchange’ policy sa malls sa Quezon City

Robie de Guzman   •   May 29, 2020

MANILA, Philippines – Nanindigan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga polisiyang ipinatutupad sa ilang mall sa lungsod kasunod ng pagbubukas ng limitadong operasyon ng mga ito sa gitna ng community quarantine.

Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagbabawal sa pagsusukat ng mga damit at ang ‘no return, no exchange policy’ o pagsasauli o pagpapapalit ng biniling produkto.

Ayon kay Belmonte, ang mga panuntunang ipinatutupad sa mga shopping mall sa lungsod ay bahagi ng precautionary measure laban sa novel coronavirus disease (COVID-19).

Giit ng alkalde, malaki ang tiyansa na makahawa sa iba kung infected ng virus ang nagsukat ng damit.

“Initiative ng city government ito, kasi alam naman natin na ang clothes store ay bukas na at alam din natin na pwedeng matransmit ang virus sa pamamagitan ng damit and the city government ay nagkusa na no trying of clothes, walang pagsusukat,” ani Belmonte.

Aniya, batid niyang maraming magagalit sa kanyang patakaran ngunit humihingi siya ng pang-unawa sa publiko dahil para din naman ito sa kapakanan ng mga residente sa lungsod.

“Sa tingin ko, dapat maunawaan nila na this is for their own health and welfare and syempre, kung bumili ka na, ang understanding dyan nasukat mo na hindi mo na sana pwedeng ibalik yun, gusto nating protektahan ang kalusugan ng ating mamamayan,” ani Belmonte.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde matapos punahin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nasabing polisiya sa ilang mall sa Quezon City.

Una nang sinabi ng DTI na labag sa batas ang ‘no return, no exchange’ policy dahil sa ilalim ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines, may karapatan ang mga mamimili na isauli ang nabiling produkto lalo na kung ito ay depektibo.

Payo ng ahensiya, magpulong ang mga lokal na pamahalaan, mall operators at ang Department of the Interior and Local Government upang ayusin ang nasabing panuntunan.

Iminungkahi rin ng DTI ang pagkakaroon ng uniformed protocols na ipatutupad sa mga mall upang maiwasan ang kalituhan sa publiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.