Nora Aunor to run in 2022 polls as party-list representative

Robie de Guzman   •   October 8, 2021   •   983

MANILA, Philippines – Filipino movie icon Nora Aunor is gunning for a Congress seat in 2022 national and local elections.

Aunor on Friday filed the certificate of nomination and acceptance (CONA) for the National Organization for Responsive Advocacies for the Arts (NORAA) party-list with her as one of the party’s nominees.

Aunor, whose real name is Nora Cabaltera Villamayor, has been dubbed as the Philippine cinema’s Superstar and is regarded as people’s National Artist.

She started her career in local show business as a singer after winning a local talent search. She has also appeared in several movies, television shows, stage plays and concerts.

She also won awards for her work and contribution to the Philippine film industry.

 

COMELEC, Palasyo may apela sa publiko kaugnay ng political caravans

Robie de Guzman   •   December 9, 2021

MANILA, Philippines ­– Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) at Malakanyang sa publiko ng patuloy na pag-iingat sa gitna ng patuloy pa ring banta ng COVID-19 sa bansa.

Ginawa ng mga otoridad ang panawagan kasunod ng pagdumog ng maraming tao sa political caravan na isinagawa kamakailan ng tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City.

Batay sa mga lumabas na video at larawan, tila hindi na nasunod ang physical distancing at iba pang health protocols sa nasabing aktibidad.

Maraming motorista rin ang naapektuhan dahil sa pagbigat ng daloy ng trapiko.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, hindi exempted ang mga pulitiko sa istriktong pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Sakop pa rin sila ng rules na yan. Nagpapaalala ang COMELEC, ‘wag ninyong i-endanger ang inyong mga supporters, because that’s what you are doing. Just so you want your crowds, your photo-ops, you are endangering the lives of the Filipinos who are supporting you,” ani Jimenez.

Payo naman ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga pulitiko at partido, makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng crowd control.

“Obviously, yung situation we are still on a public health emergency, we all have to be careful and all of these moves have to be coordinated para hindi naman masyadong magulo, hindi magkakaroon ng untoward incident. There are mechanisms in place pero kailangan lang talagang to follow these mechanisms,” ani Nograles.

Magugunitang nagpaalala na rin ang Department of the Interior and Local Government sa mga pulitiko at party-list na hindi pa pinapayagan sa ngayon ang political rallies.

Maaari lamang silang magsagawa ng special gatherings pero dapat ay may pahintulot ito ng lokal na pamahalaan at nasusunod ang allowed venue operating capacity at public health standards.

Papayagan rin ang political caravans basta’t naipapatupad ang physical distancing at gagawin ito sa limitadong oras.

Una nang humingi ng paumanhin ang kampo ni Bongbong Marcos sa mabigat na trapikong idinulot ng kanilang caravan matapos magpahayag ng pagkadismaya ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa umano’y kawalan ng koordinasyon ng mga organizer ng Marcos-Duterte caravan. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

PNP chief, may babala vs mga pulis na hindi magtatrabaho para sa seguridad ng 2022 elections

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

Manila, Philippines – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Dionardo Carlos ang mga pulis na hindi magtatrabaho para sa seguridad ng susunod na halalan sa bansa.

Ayon kay Carlos, patuloy siyang nagsasagawa ng assessment sa trabaho ng field commanders upang malaman kung ginagampanan ng mga ito ang kanilang mga tungkulin.

Kung mapapatunayang hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho at hindi produktibo ay maaari silang alisin sa pwesto.

“This is not the time to relax, this is the time to perform. I do not wish to fail on the task ahead,” ani Carlos.

“Pagka nakita namin na laging left behind you’re not doing your job, I might put somebody else who can do the job, kasi kailangan kami lahat sumusunod. Kapag meron d’yan na hindi sumusunod in the desire of the organization for a peaceful election then as early as now I’m continuously assessing the different field commanders so that it will also serve as a warning,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng hepe ng pambansang pulisya ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat isa para sa pagkakaroon ng mapayapang halalan sa bansa.

“If they do not contribute, they are not distinctly contributing to the mission and function with the goals of the organization I said. I will tell them, ‘get out,'” ani Carlos.

Ginawa ni Carlos ang pahayag sa gitna ng mga ginagawang security preparations para sa 2022 elections.

Kabilang sa mga pinaghahandaan ng pulisya ay ang kampanya laban sa private armed groups (PAGS), paglaganap ng loose firearms at pagbabantay sa mga pulitiko na posibleng gumamit ng serbisyo ng PAGs upang takutin ang kanilang mga kalaban sa pulitika. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Pangulong Duterte, wala pang pasya kung sino ang iendorsong presidential bet – Malakanyang

Robie de Guzman   •   December 3, 2021

MANILA, Philippines – Umapela ang Malakanyang sa publiko na bigyan pa ng panahon si Pangulong Rodrigo Duterte upang magpasya sa kung sino ang susuportahan nitong kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Kasunod na rin ito ng pag-atras sa halalan ng ini-endorso niyang si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Si Pangulo has options, has choices that he has to make and we should give him the time to make those options; to make those choices; to make those decisions and give him the leeway to make the announcement kung kinakailangan at kung kailan niya gusto gawin. Hintayin na lang po natin si Pangulong Duterte,” ang pahayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.

Una nang sinabi ni Go na umatras siya sa halalan dahil ayaw aniya ng kanyang pamilya na sumabak ito sa presidential race.

Ayaw rin umano niyang ilagay sa mahirap na sitwasyon ang pangulo dahil sa pagtakbo ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bise presidente, katambal ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi naman ng pangulo na iginagalang niya ang desisyon ni Go lalo’t para ito sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Noong Martes inianunsyo ni Go ang pag-atras sa halalan ngunit hindi pa ito personal na humaharap sa Commission on Elections upang pormal na bawiin ang kandidatura.

Kasunod ng pag-atras ni Go, nanawagan naman ang mga kaalyado ng administrasyon na suportahan na lang ng pangulo ang tambalang Bongbong at Sara para sa 2022 elections.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.