P0.50 na dagdag pasahe sa jeep pinayagan ng LTFRB, commuter groups tumutol

admin   •   May 30, 2014   •   4088

Ilan sa mga mamamayang Pilipino habang naghihintay ng pampasaherong jeep na kanilang masasakyan (UNTV News)

MANILA, Philippines —Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang singkwenta sentimos (P0.50) na dagdag pasahe sa mga jeep.

Epektibo simula June 14 ay ipapatupad na ito sa buong NCR, region 3 at region 4.

Kung dati ay eight pesos (P8.00) ang minimum fare ay  magiging eight fifty (P8.50)  na ito.

Ibig sabihin, singkwenta sentimos sa unang apat na kilometro habang P1.50 naman sa mga susunod na kilometro.

Mayroon pa ring 20% na discount na ipagkakaloob sa mga estudyante at mga senior citizens.

Ayon sa LTFRB, ang singkwenta sentimos na dagdag pasahe ay dumaan sa masusing pag-aaral na suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Yung hinihiling po nila na two pesos na masyadong mataas ay magkakaroon ng malaking impact sa ating ekonomiya kapag ibibigay po namin.lahat yun. Kaya kami ay nagdesisyon, base na rin sa aming computation at rekomendasyon ng NEDA, na ang reasonable rate of increase na kayang ma-absorb ng ekonomiya at hindi makaapekto sa ating mamayan ay nasa singkwenta sentimos sa.first four kilometers at ten centavo sa every succeding kilometer”, pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez.

Masaya naman ang mga jeepney operator sa naging desisyon ng ahensya.

Ayon sa kanila, bagamat dalawang piso ang kanilang kahilingan ay payag na sila sa singkwenta sentimos upang hindi naman masyado makabigat sa mga pasahero.

“Dun sa nakita nating singkwenta sentimos, hindi na po kami nagrereklamo dun dahil tinignan din po namin benefit ng taong bayan at mananakay”, saad ni Association of Coach Training Organizations (ACTO) President  Efren De Luna.

Ayon sa mga jeepney operator, siguradong malaking tulong ito sa mga jeepney driver.

“Nakakasigurong may dagdag sa kita nila, isang daan sa isang araw ang dagdag. Break even ang sinasabi ko”, ani Zenny Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Samantala, tinutulan naman ito ng National Council for Commuters Protection (NCCP).

Ayon sa isang text message ni NCCP President Elvira Medina, hindi ito makatarungan at lalo lamang magpapahirap sa mga driver dahil mas lalong lalaki ang kanilang boundary.

May  ilang mananakay na tutol din tulad ni Josie Pagarigan,  “Magpapasukan na pati mga estudyante naming mga anak. Panay bagong dagdag na naman sa allowance yun kasi madadagdagan ang pamasahe”.

“Pag tumaas sweldo, payag ako”, komento rin ng isang commuter na si Melly Rosima.

Nilinaw  naman ng LTFRB na hindi pwedeng ipatupad ang dagdag pasahe kung walang kopya ng fare matrix na manggagaling sa LTFRB.

Ang aprubadong fare matrix ay ipamimigay ng LTFRB ng libre sa mga driver simula June 9 hanggang June 13

Maaari itong makuha sa lahat ng tanggapan  ng LTFRB o di kaya ay i-download sa website ng ahensya. (Mon Jocson/UNTV News)

PH to use cashless payment system in taxis to further curb COVID-19 spread – DOTr

Robie de Guzman   •   May 22, 2020

MANILA, Philippines – The Department of Transportation (DOTr) on Friday said it is working on forging partnerships with various digital payment providers for the implementation of cashless or contactless transactions in taxis and Transport Network Service Vehicles (TNVS) as part of the “new normal” amid the novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

In a statement, the DOTr said it has tapped payment platforms to help equip taxis and TNVS with scan-to-pay systems to limit direct physical contact between drivers and passengers, thus further curbing the spread of COVID-19.

Taxis and Transport Network Companies (TNC) are allowed to operate in areas placed under general community quarantine at reduced capacity and with strict health and safety protocols.

“Cashless and contactless payment scheme will now be part of the ‘new normal’ in the public transportation system,” Transportation Secretary Arthur Tugade said.

The DOTr said one of the first to tie-up with the government for this purpose is GCash.

Under the partnership, GCash will help enable taxi drivers to accept digital payments through the Scan To Pay app where GCash users only need to scan the unique QR code of the taxi unit they are riding in paying for their metered fares.

GCash is also offering the GCash PowerPay+ solution to taxi operators where they can send out salaries, allowances, and commissions through to their employees, or members nationwide, the DOTr said.

“GCash strongly supports the government’s call for the use of mobile payments to lessen the risk of spreading COVID-19 through surfaces such as paper money,” GCash Head of Payments Jovit Bajar said.

Authorities are also in talks with other payment platforms PayMaya, Squidpay and Beep, among others, the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) said in the same statement.

“We had consultations with these providers over the weekend. We are encouraging these digital payment providers to partner with taxi operators and TNCs to lessen the chance of COVID-19 spread,” LTFRB chairman Martin Delgra III said.

“On the part of the TNCs such as Hirna, Grab and Owto, they are already accepting cashless transactions,” he added.

LTFRB allows taxi, ride-hailing apps to resume operations under ‘new normal’ rules

Aileen Cerrudo   •   May 12, 2020

The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will allow taxis and transport network vehicle services (TNVS) to resume their operations on May 16.

On Monday (May 11), LTFRB Chairman Martin Delgra said taxis and TNVS should adhere to the “new normal” guidelines in order to be allowed to resume their operations

The guidelines include the implementation of a “no mask, no ride” policy, passengers will only be limited to a maximum of three, and the installation of acetate barriers for taxis and other public transportation.

“The primordial consideration is public health,” he said.

Delgra also said that the agency is encouraging the use of cashless transactions to lessen the risk of passengers and drivers getting infected by the coronavirus disease (COVID-19)

“We are not making it mandatory but we are strongly encouraging the use of electronic payment scheme,” he said.

READ: Expect longer queues at MRT-3 under the new normal

The rail transits in the country already prepared their own protocols under the ‘new normal’ which also includes limiting the number of passengers per train. AAC

Ruta ng bus sa EDSA, babawasan simula May 18 – LTFRB

Robie de Guzman   •   May 11, 2020

MANILA, Philippines – Babawasan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta ng mga bus na dumadaan sa EDSA simula sa May 18.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, simula sa susunod na linggo ay gagawin na lamang 29 ang kasalukuyang 96 routes na dinadaanan ng halos 4,600 city bus units sa Metro Manila.

Ayon kay Delgra, mas mapapabilis nito ang oras ng biyahe at madaragdagan din ang bilang ng mga magagawang biyahe ng mga bus.

Aniya, ang ipinatutupad na community quarantine ay nagbigay ng pagkakataon sa mga otoridad na i-rationalize ang land-based public travel sa Kalakhang Maynila.

“Ang nangyari po, out of 96 routes, 61 of these passes through EDSA. Ibig sabihin po nito, it does not start or end at EDSA… It passes through EDSA and that’s the reason why it’s a daily picture that we see na yung traffic congestion lalong-lalo na sa mga buses, makikita natin sa daan,” ani Delgra.

“We are looking at a system now where there would be a dedicated EDSA Bus Service, where all the other bus routes coming from wherever — north, south, southeast, southwest – will now converge into EDSA as the main corridor,” dagdag pa niya’

Paliwanag naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa ilalim ng bagong sistema, magsisilbi na lamang “connector” ang EDSA at sa designated bus stops na lamang papayagang magbaba at magsakay ng mga pasahero.

“Hindi na rin po pupwedeng every one kilometer, hihinto tayo, no. Kailangan talaga strategic po ang ating paglalagyan na bus stops, para at least matuto talaga ang ating mga kababayan ng tamang disiplina,” ani Jojo Garcia, ang general manager ng MMDA.

Samantala, nanawagan ang LTFRB sa mga kumpanya na maglaan ng shuttle service para sa mga empleyado nitong papayagan nang bumalik sa trabaho sa mga susunod na araw.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Delgra na mas masisiguro ng mga kumpanya na maiibsan ang gastos sa pamasahe at makararating sa oras ang kanilang mga tauhan.

“From a public transport point of view, maiibsan ang pressure ng mga trabahante to take the public transport on the regular route. Kasi dedicated na ‘yung ibabyahe nila mula sa bahay papunta sa kanilang pinatatrabahuan,” ani Delgra.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) hanggang May 15. Sa ilalim nito, suspindido ang pasok sa mga opisina at paaralan pati na ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan; kailangan ring manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga taong hindi kabilang sa mga pinapayagang lumabas sa gitna ng COVID-19 crisis.

Hindi pa tiyak kung aalisin o palalawigin ang ECQ sa Metro Manila pagkatapos ng May 15.

Ayon sa Malakanyang, pinag-uusapan pa nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga rekomendasyon ukol sa ECQ. Maaaring ilabas ang desisyon sa linggong ito. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.