PAGASA, nagbabala sa madalas na pagtama ng kidlat sa mga tao

UNTV News   •   June 27, 2012   •   12820

FILE PHOTO: Isang kidlat ang tumama sa isang malaking bato sa Payong Payong Point, Batangas. (PHOTOVILLE International / Rhouell Carino)

QUEZON CITY, Philippines — Umabot na sa 6 ang naitatalang nasawi dahil sa pagtama ng kidlat sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa San Mateo Rizal, 3 ang patay at 5 ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa sinisilungang kubo sa kasagsagan ng ulan noong Linggo, (Hunyo 24).

Sa San Nicolas Nilapacan, Palawan naman, 2 ang patay dahil rin sa pagtama ng kidlat habang nakasakay sa kanilang bangka habang 1 rin  ang patay nang tamaan ng kidlat sa Urdaneta, Pangasinan.

Dahil dito, nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa pagtama ng kidlat sa mga tao.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Jori Loiz, kadalasang unang tinatamaan ng kidlat ang mga nasa matataas na lugar.

“Unang-unang tinatamaan ng kidlat ay yung matataas na structure, mga puno, buildings. Ngayon kung ikaw ay nasa loob ng bahay at balak mong lumabas, manatili ka na lang sa bahay. Huwag kang lalapit sa pipes, yung dinadaanan ng tubig, yung may mga electrical devices, mga kable at wag kang lalapit sa bintana.”

Naniniwala rin ang PAGASA na may malaking posibilidad ang nangyaring insidente sa San Mateo, Rizal na kung saan ay napabalitang naghahanap ng signal  ng cell phone ang isa sa mga biktima.

“Cellphone is an electrical device may charge din yan, may battery, may metal component, kaya prone din sa kidlat,” ani Loiz.

Ayon sa mga eksperto, bagama’t hindi lahat ng tinatamaan ng kidlat ay namamatay, malaking pinsala naman ang iiwan nito sa ating internal organs.

Pangunahin sa magiging pinsala ng kidlat sa katawan ng tao ay ang cardiovascular o puso at ang respiratory system o ang paghinga.

“Burns, nararanasan yan, 1st and 2nd degree burns. Magkaka-damage diyan yung nternal organs mo particularly the kidney or the liver,” pahayag pa ni Loiz. (Ito Ang Balita ni Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Bulacan, Cavite at Rizal, isasailalim na rin sa COVID-19 Alert Level 3 simula Enero 5

Robie de Guzman   •   January 4, 2022

MANILA, Philippines – Isasailalim na sa COVID-19 Alert Level 3 ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, at Rizal simula sa Miyerkules, Enero 5 hanggang Enero 15.

Ayon sa Malakanyang, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng sub-technical working group on data analytics sa gitna na rin ng mabilis na namang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng paglalagay sa alert level 3 sa kalapit na rehiyon ng Metro Manila bunsod ng lumulubong coronavirus infections.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan ang paggalaw ng mga tao subalit maaaring magpatupad ng makatwirang restrictions ang mga lokal na pamahalaan.

Ang mga indibiduwal na may edad 18 at pababa, at mga nasa vulnerable population gaya ng senior citizens at immunocompromised persons, ay papahintulutang maka-access sa pangunahing pangangailangan, serbisyo at trabaho.

Papayagan rin ang individual outdoor exercises anuman ang vaccination status.

Ipinatutupad ang maximum 30% on-site venue o seating capacity para sa fully vaccinated, at 50% outdoor capacity naman sa mga pinapayagang establisyemento at aktibidad.

Ipinagbabawal naman ang mga business establishment at activities na itinuturing na high-risk sa hawaan ng COVID-19 tulad ng face-to-face classes sa basic education liban na ang mga aprubado ng IATF, contact sports, funfairs o perya, kid amusement industries, venues na may live performers at audiences, casinos, horse racing, cockfighting, at mga pagtitipon sa mga bahay ng mga indibidwal na hindi magkakasama sa magkaparehong household.

Ngayong araw, nakatakdang magpulong ang IATF upang pag-usapan kung may mga panuntunan bang dapat na baguhin sa COVID-19 alert level 3 lalo na’t mataas ang vaccination rate sa Metro Manila at ilan pang probinsya. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Mga biktima ng bagyong Odette sa Roxas, Palawan, umaapela ng tulong

Robie de Guzman   •   December 20, 2021

Nananawagan ng tulong ang maraming residente sa bayan ng Roxas sa Palawan na naapektuhan ng nagdaang bagyong Odette.

Nawalan ng bahay ang mga residente malapit sa dalampasigan matapos itong mawasak dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.

Idinadaing din nila ang papaubos na nilang pagkain at tubig at mahabang pila para lang makakuha ng limitadong supply.

“Bago po kami makakuha ng inuming tubig, kailangan pumila sa mga refilling station na gumagamit ng generator pipila kami ng umaga ng 8am makakauwi ng pila hapon na pero limitado sa 2 container lang ang pwede ipamigay,” ang daing ng residenteng si Orlando Bores.

Pati supply ng bigas ay wala rin umano silang mabilhan dahil nabasa ang mga paninda sa pamilihan.

Hindi naman sila makatawid sa ibang bayan dahil naputol ang ilang tulay at hindi pa madaanan ang ilang kalsada.

Bukod sa kakulangan sa supply, nag-aalala rin ang ilan sa kanila dahil wala pa silang balita sa iba nilang kaanak na nasa ibang lugar na naapektuhan rin ng bagyo.

Bagsak pa ang linya ng komunikasyon kaya hindi pa sila makatawag sa kanilang pamilya.

“Nananawagan po ako ng tulong sa national government kasi po di pa namin nakikita ang aming mga kamaganak nasa Puerto at nasa Rizal po kung nsan man po sila,” ang wika ng residenteng si Arnel Galumalin.

“Sana po tulungan nyo po kami hindi po namin makontak ang mga kamaganak sa puerto princesa palawan sana matulungan din po ninyo ang Palawan,” ang daing ni Tracy Sumaraga.

“Sabi sakin wala daw communication sa Puerto Princesa wala ring kuryente saka tubig nagwo-worry lang po ako dahil ilang araw na po wala pa rin kaming communication ng pamilya ko,” ang pag-aalalang sambit ng residenteng si Paolo Padojinog.

Disyembre 17 nang mag-landfall ang bagyong Odette sa bayan ng Roxas sa Palawan.

Hindi akalain ng mga residente na ganoon kalakas ang hanging kanilang mararanasan dahil hindi naman madalas daanan ng bagyo ang lalawigan ng Palawan.

Mabuti na lamang at nakapag-evacuate sila bago pa man tumama ang bagyo.

“Sa totoo lang hindi namin ito napaghandaan… Ang mga puno nagkabagsakan na yung mga bubong namin nangatanggal na,” ang pahayag ng residenteng si Elizabeth Zabanal.

Sa ngayon pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon sa Puerto Princesa City. (mula sa ulat ni Correspondent Grace Casin)

PAGASA raises signal no. 3 as Odette moves towards Palawan

Robie de Guzman   •   December 17, 2021

MANILA, Philippines — State weather bureau PAGASA has raised tropical cyclone wind signal (TCWS) number 3 over parts of Palawan as Typhoon Odette approaches the province.

In its 2 p.m. bulletin, PAGASA said Odette has maintained its strength, with maximum sustained winds of 155 kilometers per hour (km/h) near the center, gustiness of up to 215 km/h, and central pressure of 955 hPa.

It was located at 130km southwest of Cuyo, Palawan or 155 km east northeast of Puerto Princesa City, Palawan. It is moving westward at 25 km/h.

TCWS no. 3 is up in the northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City) including Cagayancillo and Cuyo Islands.

TCWS no. 2 has been raised over the following areas:

  • southern portion of Oriental Mindoro (Bulalacao, Mansalay, Roxas)
  • southern portion of Occidental Mindoro (Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
  • central portion of Palawan (Narra, Sofronio Española, Quezon, Aborlan, Rizal, Brooke’s Point) including Kalayaan and Calamian
  • southwestern portion of Negros Occidental (Cauayan, Candoni, Ilog, Hinoba-An, City of Sipalay)
  • Antique
  • the northwestern and western portions of Aklan (Malinao, Madalag, Libacao, Buruanga)
  • southwestern portion of Capiz (Jamindan, Tapaz)
  • central and southern portions of Iloilo (Bingawan, Calinog, Dueñas, Lambunao, Badiangan, Janiuay, Cabatuan, Mina, New Lucena, Maasin, Alimodian, Leon, Zarraga, Pototan, Santa Barbara, Leganes, Iloilo City, Pavia, Oton, San Miguel, Tigbauan, Igbaras, Tubungan, Guimbal, Miagao, San Joaquin)
  • Guimaras

Meanwhile, signal no. 1 is up in the following areas:

  • Batangas
  • southeastern portion of Quezon (San Francisco, San Andres, San Narciso, Mulanay, Catanauan)
  • Marinduque
  • Masbate (Esperanza, Mandaon, Palanas, Baleno, Placer, Cawayan, Milagros, Dimasalang, Uson, Cataingan, Pio V. Corpuz, Balud, City of Masbate, Aroroy, Mobo)
  • Romblon
  • western portion of Bohol (Getafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Dagohoy, Carmen, Dimiao, Danao, Buenavista, Inabanga, Sagbayan, Clarin,
  • Catigbian, Batuan, Bilar, Lila, Loay, Loboc, Sevilla, Tubigon, Balilihan, San
  • Isidro, Calape, Loon, Antequera, Maribojoc, Cortes, Corella, Sikatuna, Alburquerque, Baclayon, Tagbilaran City, Dauis, Panglao)
  • Siquijor
  • Cebu including Bantayan Islands
  • the rest of Negros Occidental
  • Negros Oriental
  • the rest of Capiz
  • the rest of Iloilo
  • the rest of Aklan
  • northern portion of Zamboanga del Norte (Baliguian, Gutalac, Kalawit, Labason, Liloy, Tampilisan, Salug, Godod, Bacungan, Sindangan, Siayan, Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Sergio Osmeña Sr., Dipolog City, Polanco, Piñan, Mutia, Dapitan City, La Libertad, Sibutad, Rizal)
  • the northern portion of Misamis Occidental (Don Victoriano Chiongbian, Aloran, Oroquieta City, Lopez Jaena, Concepcion, Sapang Dalaga, Calamba, Baliangao, Plaridel)

PAGASA said Odette is forecast to make landfall in the vicinity of northern or central portion of Palawan on Friday afternoon.

It is expected to exit the Philippine area of responsibility by Saturday.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.