Paglalagay ng SRP sa bigas, pinag-aaralan na ng DTI

admin   •   July 2, 2014   •   15927

Bigas na tinitinda sa isang pamilihan (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hinihintay na lamang ng Department of Trade and Industry (DTI) ang approval ni Pangulong Aquino sa paglalagay ng suggested retail price sa bigas.

Ayon sa DTI, ito ang magsisilbing gabay ng mga nagtitida at mamimili kung magkano ang dapat na presyo ng bigas.

Suportado rin ito ni Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization (PAFSAM) Sec. Francis “Kiko” Pangilinan.

“Ang maganda po kasi sa SRP, particularly for agricultural product, it works as a guide to everybody supply chain from manufacturers down to retailers”, pahayag ni DTI Usec. Victorio Dimagiba.

“Makakatulong ito para mabalanse pa natin yung interes ng consumer at yung ating mga retailers & traders”, ani PAFSAM Sec. Pangilinan.

Ngunit kung si Bayan Muna Representative Neri Colmenares ang tatanungin, mas makabubuti ang pagtatakda ng price ceiling dahil may kamay ito para parusahan ang mga nagsasamantala.

“Ang kinaiba lang ng price ceiling at ng SRP, dito sa price ceiling kapag umakyat ka sa price ceiling, kulong ka. May kaso ka whereas pag akyat mo sa SRP imbestigahan ka lang.”

Hindi naman naniniwala ang mambabatas na lean months o panahon ng anihan ang dahilan kaya’t mataas ang presyo ng bigas dahil base sa nakuha nitong record mula sa Department of Agriculture, sapat pa ang supply ng bigas.

Maging ang DTI ay hindi rin kumbinsido sa dahilang ito.

“When they use lean months, we also challenge that kasi yung lean months, padating palang yun. Hindi pwedeng gamitin iyan. Magagamit yun after the lean months”, paliwanag ni Dimagiba.

“Tumaas ang production, tumaas ang inventory so may supply. Kaya I tend to believe, yung analysis of other that there’s rice manipulation, may nagho-hoard despite na presence of supply”, ani Colmenares.

Nangangamba ang kongresista na kung hindi makokontrol ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng bigas ay aakyat pa ito sa mahigit ₱50 per kilo lalo na kung matuloy ang El Niño phenomenon.

Samantala, plano namang bilhin ng NFA ang may 50k mt na smuggled rice. Nakumpiska ito ng BOC mahigit sa 10 buwan na ang nakararaan lulan ng mahigit sa 2 libong container van.

“Sa halip na ibang bansa ang makikinabang sa pagbili ng bigas ay bilhin nalng natin sa ating sariling ahensya”, saad ni Pangilinan. (Rey Pelayo, UNTV News)

ALAMIN: Health protocols para sa barbershops at salons na magbubukas simula June 7

Robie de Guzman   •   May 30, 2020

MANILA, Philippines – Papayagan na ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng mga salon at barbershops sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) simula sa June 7.

Sa bisa ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 Resolution No. 41, 30% capacity ng mga salon at barbershop ang papayagang mag-operate at madagdagan ito ng hanggang 50% pagkatapos pa ng dalawang linggo.

Ang mga salon at barbershop naman sa mga lugar na nasa modified general community quarantine, 50% na ng kabuuang operational capacity ang pinapayagan at magiging 100% ito pagkatapos pa ng tatlong linggo.

Ngunit paglilinaw ng Malacañang, limitado lamang sa paggugupit ang operasyon ng mga barberya at salon at bawal pang ialok ang ibang serbisyo.

“Wala pa ring facial, wala pa rin sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eyebrows hanggang gupit lang tayo,” ang sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bilang gabay naman sa mga magbubukas na barberya at salon, inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sumusunod na panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease:

  • Istriktong pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing measures.
  • Kailangang maglaan ng 10 minutong interval sa bawat customer para bigyang-daan ang paglilinis o sanitation ng mga ginamit na kasangkapan at pasilidad.
  • Pinagagamit rin ang barbershops at salon ng alternatibong paraan ng appointment gaya ng online at text messaging upang maiwasan ang walk-in.
  • Kailangan ding may nakalagay na mga marker sa loob ng shop na indikasyon kung saan lang maaaring pumuwesto ang mga customer.
  • Hindi rin hinihikayat ang pagdadala ng kasama liban na lamang kung kinakailangan.
  • Dapat nakasuot ang mga tauhan ng shop ng personal protective equipment gaya ng face mask, face shield, salamin sa mata, gloves at hair caps.
  • Kailangang naka-sapatos at laging maghuhugas ng kamay ang mga empleyado.
  • Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng physical contact sa pagbabayad, at sa halip ay gagamit ng maliit na tray sa pagtanggap ng pera.

Bago pumasok sa shop ang customer, narito ang mga dapat gawin:

  • Dumaan sa foot bath o floor mat na may disinfectant.
  • Kailangan kunan ng temperatura at lagyan ng alcohol ang mga kamay ng customer.
  • Sagutan ng kliyente ang health checklis na ibibigay ng shop.
  • Ang mga dalang gamit ng mga kliyente ay dapat i-disinfect at ilagay sa sanitary plastic bags.

Pinaalalahanan rin ang mga customer na bawal magsuot ng alahas gaya ng singsing, bracelets, relo at hikaw.

Ayon sa DTI, dapat naka-paskil sa loob ng shop ang mga guidelines na ito.

“It’s for the safety of their workers, ‘yung mga nagtatrabaho doon sa salon at yung mga customers nila itong ginagawa natin protocol,” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Ayon sa DTI, mahigit sa 400-libong manggagawa ang matutulungan sa pagbubukas ng nasa 45-libong malalaki at maliliit na barbership at salon.

Paalala naman ng ahensiya, maaaring muling ipasara ang mga nasabing establisimyento kung lalabag sa mga inilatag na health at safety protocols. – RRD (mula sa ulat nina Correspondent Rosalie Coz at Rey Pelayo)

DTI, nanawagan sa LGUs at mall operators na pag-aralan ang ipinaiiral na ‘no return, no exchange’ policy

Robie de Guzman   •   May 28, 2020

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lokal na pamahalaan at mall operators sa Metro Manila na muling pag-aralan ang ipinatutupad na “no return, no exchange” policy sa ibinibentang mga produkto.

Ginawa ng DTI ang pahayag ngayong Huwebes matapos matuklasan na may mga mall sa Quezon City na nagpapatupad ng ganitong polisiya lalo na sa mga ibinibentang damit at sapatos sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Ipinagbabawal rin sa ngayon sa ilang mall ang fitting o pagsusukat ng mga nasabing item.

“Kasi doon sa no fitting policy nila tapos no return, no exchange, it turns off the consumer. Mas lalong hindi bibili yung tao na pupunta doon dahil nga kung hindi kasya ano gagawin nila dun sa bibilhin nila,” ang sabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Paliwanag naman ng ilang mall officials, sumusunod lamang sila sa guidelines ng lokal na pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We inform them before that no fitting is allowed and there is no return, no exchange,” ayon kay Luisito Lim, general manager ng Landmark.

“Sa ngayon kasi yun yung that was imposed to us by the Quezon City government so we are just following the guidelines,” dagdag niya.

Ngunit giit ni Castelo, maaaring magdulot ito ng kalituhan sa mga mamimili dahil ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines ang ganitong polisiya.

Sang-ayon sa batas, may karapatan ang isang customer na isauli ang nabiling produkto lalo na kapag ito ay depektibo.

Payo ng ahensiya, magpulong ang mga lokal na pamahalaan, mall operators at ang Department of the Interior and Local Government upang ayusin ang nasabing panuntunan.

Iminungkahi rin ng DTI ang pagkakaroon ng uniformed protocols na ipatutupad sa mga mall upang maiwasan ang kalituhan sa publiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

DTI, may paalala sa online sellers at shoppers sa gitna ng community quarantine

Robie de Guzman   •   May 22, 2020

MANILA, Philippines – Marami ang nahihikayat ngayong mag-online selling at shopping dahil hindi lahat ng tao ay maaaring lumabas ng bahay at suspindido pa rin ang pampublikong transportasyon sa gitna ng community quarantine.

Ayon sa ilang online shopper, mas maalwan mamili sa online sites dahil wala silang ibang gagawin kundi mag-browse sa internet, i-click ang nagustuhang produkto, makipag-usap sa seller at maghintay kung kailan idi-deliver ang biniling produkto.

Anila, sa panahon ng COVID-19 crisis, mas ligtas mamili online dahil hindi nila kailangang humarap o makihalubilo ng personal sa ibang tao.

At dahil mahalaga ang supply ng pagkain at mahirap magtinda sa mga pisikal na pamilihan sa panahon ng quarantine, bumaling na rin sa digital platform ang ilang nagtitinda ng gulay at iba pang food products.

Ayon kay Barbara Belangue, isang online vegetable seller, sa Facebook lang sila nagpo-post ng kanilang mga paninda at may opsyon ang customer na i-pick up o ipa-deliver ang biniling produkto.

“Y’ong pagbebenta namin ng gulay, ginagawa namin is y’ong mga customers na makakapag-order sila sa Facebook, Messenger o kaya, my second option is, dadaan sila dito pero dahil noong nag-ECQ, ang mas madalas na magpa-order is through online tapos via delivery,” ani Belangue.

Suportado naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang online selling o electronic commerce lalo’t nasa gitna ng krisis ang bansa.

Ngunit paalala ng DTI, dapat naka-rehistro ito maging ang gagamiting delivery service, at ang presyo ng produkto ay kailangang nakasunod sa itinakdang suggested retail price ng ahensiya.

Babala ng DTI, maaaring kasuhan ang online sellers na magpapatupad ng overpricing o kung iba ang itsura ng idi-deliver nilang produkto kumpara sa nakapaskil sa kanilang online page.

“Kung ano y’ong naka-advertise doon sa online page mo sa social media page, kailangan ‘yon mismo y’ong ide-deliver mo sa tao,” ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

“Hindi y’ong fine-fake mo lang y’ong advertisement mo para lang makaengganyo ka ng pagbili pero hindi naman ‘yon y’ong actual na ipapa-deliver mo doon sa tao because it is going to be a crime,” dagdag pa ni Castelo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.