Pagpapalakas sa COVID-19 vaccination drive, ipinanawagan sa gitna ng election fever

Robie de Guzman   •   October 11, 2021   •   117

MANILA, Philippines – Umapela si National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa mga pulitiko na palakasin pa rin ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan sa kabila ng kanilang paghahanda para sa 2022 elections.

Ayon kay Galvez, dapat munang isantabi ang pulitika at gumawa ng paraan ang mga lokal na opisyal para mabakunahan ang mas maraming Pilipino upang mabigyan ng proteksyon laban sa matinding pagkakasakit at kamatayan bunsod ng COVID-19.

Aniya, magiging daan ang mataas na vaccination rate upang lubos na makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas at maresolba ang mga suliraning kaakibat ng pandemya.

“We call on our local leaders including our regional directors and offices and IATF to set aside political differences and focus on our efforts to inoculate as many people as possible,” ani Galvez.

“Ngayon ang ating challenges are more on throughput, administration and demand. Ang ating supply  po ay wala na po tayong problema,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Galvez na ang pagkakaroon ng mainam na health program ang pinakamahusay na political investment.

Kaya hinihikayat niya ang mga lokal na opisyal na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga nasasakupan upang mapabilis ang vaccination rollout.

“Ang pinakamagandang, sabi nga namin, ang investment natin sa ating political career itong health. Kailangan tulong-tulong po tayo sa ating pagbabakuna. ‘Pag di po kayo tumulong sa pagbabakuna, di po kayo magkakaroon ng tsansa na manalo po dito. Nakita po natin, dapat sama-sama po tayo sa pagbabakuna ng ating probinsya, munisipyo, sama-sama po tayo dito,” ani Galvez.

Sa kasalukuyan, nasa 49,673,491 ang kabuuang bilang ng administered vaccine doses sa bansa – 26,486,522 rito ang nakatanggap ng first dose habang 23,186,969 naman ang nakakumpleto na ng shots.

Ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ay 30 porsyento ng total vaccination rate target ng pamahalaan.

Umaasa ang NTF na maaabot ng bansa ang 50% vaccination rate bago matapos ang 2021.

PH gov’t eyeing to administer 7 million COVID-19 jabs in second vaccination drive

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine government is aiming to administer seven million COVID-19 vaccine jabs for the second round of nationwide vaccination drive, Health Secretary Francisco Duque III said Tuesday.

The second mass immunization campaign is scheduled from December 15 to 17.

“Ang tina-target natin dito, mga 7 million para second dose, para maabot yung ating pinupuntiryang 54 million by the end of the year na bigyan ng kumpletong bakuna,” Duque said in a televised public briefing.

This target is lower than the first vaccination drive conducted last November 29 to December 1 and later extended until December 3.

The government had hoped to inoculate 9 million people during the first three-day immunization campaign. More than 10 million were vaccinated in the extended drive.

The vaccination drive was launched in a bid to scale up the country’s vaccination rate to achieve population protection against COVID-19.

So far, more than 38 million Filipinos have been fully vaccinated out of the 91.7 million doses administered since the immunization was rolled out in March.

The number of individuals who have received their first dose rose to 56.7 million.

The government is aiming to fully vaccinate at least 54 million by the end of the year.

President Rodrigo Duterte earlier expressed hope that the second vaccination drive will also be successful.

“We will have a second round of Bayanihan Bakunahan from December 15 to 17. I hope that we would have the same success. But this time lesser because parang naubos na natin ang Pilipino sa ‘yung what counts sa bakuna kaya medyo there’s a slowdown of the COVID-19,” he said.

He also expressed optimism that the Philippines will be able to overcome the pandemic amid increasing vaccination rate in the country.

Duterte: 10.2 million COVID-19 vaccine doses administered in 5-day vax drive

Robie de Guzman   •   December 7, 2021

MANILA, Philippines – More than 10 million COVID-19 vaccines were administered during the five-day nationwide immunization drive, President Rodrigo Duterte said.

“Iyong bakuna nakita naman ninyo, we were able to administer 10.2 million doses throughout the country from November 29 to December 3, which is a huge achievement in our fight against COVID-19,” Duterte said during his pre-taped public address that aired late Monday.

The government had hoped to inoculate 9 million people during the three-day “Bayanihan, Bakunahan” initiative initially set from November 29 to December 1 but was later extended until December 3 to accommodate more people.

The vaccination drive was launched in a bid to scale up the country’s vaccination rate to achieve population protection against COVID-19.

So far, more than 38 million Filipinos have been fully vaccinated since the immunization was rolled out in March.

The number of individuals who have received their first dose rose to 56.7 million.

The government is aiming to fully vaccinate at least 54 million by the end of the year.

With the increasing vaccination rate, Duterte expressed optimism that the country will be able to overcome the pandemic.

“Better days ahead because since December 1, we have been on average of 500 to 600 and the number of active cases continues to go down. I’m talking about the COVID,” he said.

Duterte thanked concerned government agencies, doctors and volunteers for the successful conduct of the Bayanihan Bakunahan.

“We will have a second round of Bayanihan Bakunahan from December 15 to 17,” he said in announcing the new round of vaccination campaign.

“I hope that we would have the same success. But this time lesser because parang naubos na natin ang Pilipino sa ‘yung what counts sa bakuna kaya medyo there’s a slowdown of the COVID-19,” he said.

 

Mga pulis na ayaw magpabakuna, ililipat ng assignment – PNP chief Carlos

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Papayagan pa ring magtrabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang nilinaw ni PNP chief Police General Dionardo Carlos kasunod ng pahayag ukol sa pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Unang sinabi ng PNP na hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis na walang maipapakitang negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.

Sagot rin ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

“However kapag sinabi natin they will not go to work it does not mean that they will not be working. They will still deliver the police services needed,“ ang wika ng PNP chief.

Pero sa halip na field work ay ililipat na lang ng assignment ang mga pulis na hindi pa nagpapabakuna upang makaiwas silang mahawa sa COVID-19.

“We will not allow them to be exposed. At the same time kasi kapag unvaccinated sila, ilagay namin sila sa QCP medyo delikado. So we will put them in a place probably take an admin role so they can still do the job for us,” ani Carlos.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi maaaring lumiban ang mga hindi pa bakunadong pulis dahil maraming mabinbinbing trabaho.

“So ganun yung aming sistema kasi lugi naman ho ang gobyerno, ang taumbayan kung because it is their choice not to be vaccinated and yet they are not delivering services,” ani Carlos.

Unang sinabi ng PNP na mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang leave credits ay ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ng PNP, ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” rule ay alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Layunin rin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.
Base sa datos ng PNP Health Service, nasa 1,808 pang tauhan ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 299 ang nagbigay ng medical reason, 194 ang nagsabing may allergy, 393 ang buntis, 63 ang lactating mother o nagpapasuso, 69 ang nagsabing labag ang pagpapabakuna sa kanilang religious beliefs, siyam ang under quarantine habang ang nalalabing bilang ay walang ibinigay na dahilan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.