Pagpayag ng DOJ na alisin ang online libel sa Cyber Crime Prevention Law, ikinatuwa ng mga petitioner

admin   •   May 31, 2013   •   4625

 ACT-Teacher Partylist  Rep. Antonio Tinio (UNTV News)

ACT-Teacher Partylist Rep. Antonio Tinio (UNTV News)

MANILA, Philippines – Magandang balita para sa ilang petitioner na kontra sa Cyber Crime Prevention Law ang plano ng Department of Justice (DOJ) na mag-endorso sa 16th Congress ng enhanced version ng batas kung saan aalisin ang online libel provision.

Ayon kay ACT-Teacher Rep. Antonio Tinio, pareho ang posisyon nila ng DOJ na alisin ang Section 12  ng Republic Act 10175 na masyadong sumisikil sa karapatang pantao ng isang indibidwal.

“Para sa amin magandang balita ito na ang DOJ ay sumasang-ayon na sa mga objections namin sa kongreso at ng mga mamamayan. Yung bagong version na gusto nila ngayon ay tinatanggal yung online libel, yung mas mataas na parusa kapag cyber crime at yung take down provision at iba pa.”

Sinabi pa ni Tinio na ang “enhanced” version ng DOJ ay magiging mas katanggap-tanggap sa publiko kumpara sa lumang bersyon na naglilimita sa karapatan ng mamamayan sa cyber space.

“Hindi natin kailangan ang ganitong batas at talagang kailangang baguhin ang probisyon na yun kung kinakailangan.”

Nauna nang sinabi ni DOJ Asst. Secretary Geronimo Sy na mag-endorso sila sa 16th congress ng enhanced version ng batas kung saan aalisin na ang probisyon na may online libel at pagmo-monitor ng traffic data. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)

Umano’y phishing scam sa LandBank accounts ng ilang guro, pinaiimbestigahan ng DOJ

Robie de Guzman   •   January 25, 2022

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang napaulat na phishing scheme sa account ng ilang guro sa Land Bank of the Philippines (LandBank).

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kasalukuyan nang nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang NBI sa kaso ng online fraud sa bansa.

“The NBI is already looking into phishing of bank accounts on a broader scale, but I am minded to issue a separate directive to the NBI in the case of the teacher victims,” ani Guevarra.

Una nang sinabi ng Teachers’ Dignity Coalition na may mga natanggap silang ulat na ilang miyembro nila ang nawalan ng pera sa account dahil sa umano’y hindi otorisadong bank transaction.

Ayon sa pinuno ng grupo na si Benjo Basas, 16 na ang natatanggap nilang ulat na nawalan ng pera sa kanilang payroll account matapos umano itong ilipat mula sa kanilang LandBank account papunta sa ibang bangko.

“So far, 16 na po ito, ang common denominator lahat sila ay nawalan ng pera na batay doon sa paggamt ng kanilang online banking apps o system nung LandBank,” ani Basas.

“Ang simula ay ganun lamang po ang pinakamataas lamang po P121,000 from P26,000 ngayon meron ding mas mababa pa, mayroong mga nag-report sa atin na P10,000. Inaayos na po natin ito, nagkaroon na po tayo ng pakikipag-ugnayan sa Department of Education,” dagdag pa niya.

Isa sa mga nawalan ng pera sa LandBank account ay si Crisanto Cruz, isang guro sa Cavite. Aniya, noong Disyembre 30 siya nakatanggap ng notification ukol sa OTP o one-time password sa kanyang cellphone.

“Napansin ko may message, nung tiningnan ko message sa LandBank yung tinatawag nating OTP, one time password, itong OTP pinapadala lang kung mayroon kang online bank system (transaction),” ani Cruz.

“Kinabahan ako kase nakapatay ang computer ko. Ang ginawa ko, meron akong pwedeng mag-check ng balance sa’king cellphone, yun wala na, ubos na yung laman,” dagdag pa niya.

Aniya, P84,000 ang nawala mula sa kanyang account matapos magkaroon ng dalawang hindi otorisadong transaksyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng LandBank na walang nangyaring hacking sa sistema nito at ang napaulat na unauthorized transactions sa ilang account holders nito ay bunsod umano ng phishing scam.

Tiniyak ng bangko na nakikipag-ugnayan na ito sa mga apektadong kliyente.

“The Lank Bank of the Philippines clarifies that it’s systems were not hacked and remain secure, following reports that alleged unauthorized transactions were experienced by two teachers who maintain payroll accounts with LandBank,” ang pahayag nito.

“According to the initial investigation by Landbank, the devices of the teachers were hacked via phishing which compromised their personal information,” dagdag pa nito.

Muli rin itong nagpaalala sa publiko na maging alerto laban sa phishing scam at iba pang uri ng panloloko gamit ang internet. Iwasan ring buksan ang anumang kaduda-dudang link at e-mail na matatanggap, at huwag i-share ang kanilang account at personal information online.

Payo rin ng bangko na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na branch o kaya ay tumawag sa Landbank customer care hotlines na (02) 8-405-7000 at 1-800-10-405-7000 sakaling makaranas ng hindi otorisadong transaksyon sa kanilang bank account.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Education na binubusisi na rin nito ang isyu at nakikipag-ugnayan na sa mga kinauukulan.

‘No vax, no ride’ policy may legal na basehan pero limitado ang pagpapatupad – DOJ

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – May legal na basehan ang pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ang pagtatanggol sa polisiya ay ginawa ni DOJ Secretary Menardo Guevarra sa gitna ng mga pagtutol sa panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na nagbabawal sa mga hindi bakunado laban sa COVID-19 na sumakay sa mga pampublikong sasakyan kung walang maipapakitang dokumento o katunayan ng exemption.

Sa isang pahayag, sinabi ni Guevarra na ang “no vaccination, no ride” policy ng DOTr ay alinsunod sa Administrative Code (EO292) at batay sa Republic Act 11332 o ang batas na nag-oobliga sa pag-uulat ng notifiable diseases.

Aniya, sa ilalim ng batas ay may kapangyarihan ang pamahalaan na limitahan ang galaw ng mga hindi pa bakunado kung para ito sa interes at kaligtasan ng publiko.

“The state has the power to regulate the movement of unvaccinated persons if it deems that such regulation is in the interest of public health or public safety and is for the benefit not only of the vaccinated but also of the unvaccinated,” ani Guevarra.

“In short, a person may refuse to get vaccinated for his/her own personal reasons, but he/she is duty-bound to obey reasonable state regulations affecting unvaccinated persons for the benefit of society at-large,” dagdag pa niya.

Sinimulang ipatupad sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila ang “no vaccination, no ride” policy noong Lunes, Enero 17.

Exempted sa panuntunan ang mga manggagawang papasok sa trabaho, may medical condition kaya hindi makapagpabakuna, mga kukuha o maghahatid ng essential goods at services at mga pasaherong naka-schedule na magpabakuna. Kailangan lamang nilang magpakita ng identification card, medical appointment at iba pang dokumento.

Maraming grupo ang kumukwestiyon sa nasabing polisiya na tinawag nilang “anti-poor” at “discriminatory” sa mga hindi pa bakunado, lalo na sa mga walang sariling sasakyan.

Pero giit ni Guevarra, hindi naman pinagbabawalang bumiyahe ang mga hindi pa bakunado dahil ang polisiya ay epektibo lamang sa public transportation, at may nakasaad ring exemption sa rule na ito.

“The unvaccinated are not absolutely prohibited from availing themselves of public transport, provided that they have passes to show that they are out to obtain essential goods and service, such as food and medicine; or that they have medical certifications showing that they could not be vaccinated for medical or health reasons,” ang paliwanag ng opisyal.

Binigyang-diin rin ng DOJ chief na tatlo sa apat na indibidwal na naoospital o kaya ay namamatay dulot ng COVID-19 ay hindi bakunado.

At bagaman common carrier o pampublikong sasakyan ay bukas sa lahat, may responsibilidad rin aniya ang mga nangangasiwa nito na ihatid ang mga pasahero nang ligas sa kanilang mga patutunguhan.

“Common carriers are indeed open to everyone, but under our existing laws operators of common carriers are bound to carry their passengers safely to their destinations, and ‘safely’ means freedom not only from accidental injury but also from transmissible diseases,” ani Guevarra.

Paalala rin ni Guevarra na time-bound lamang o limitado lang ang panahon ng pagpapatupad ng polisiya at hindi naman ito required sa iba pang lugar na mababa ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19.

Una nang sinabi ng DOTr na ang polisiya ay epektibo lamang habang nasa COVID-19 Alert Level 3 o higit pa ang Metro Manila. Batay rin anila ito sa resolusyong ipinasa ng konseho ng mga alkalde sa Metro Manila na naglilimita sa galaw ng mga unvaccinated person.

DOJ wants Kerwin Espinosa transferred to ‘more secure’ detention facility

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – The Department of Justice (DOJ) is eyeing to transfer self-confessed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa to a more secure detention facility following his alleged attempt to escape the National Bureau of Investigation (NBI) facility.

“We believe that Kerwin Espinosa should be transferred to a more secure detention facility in view of the numerous cases that he is currently facing,” Justice Secretary Menardo Guevarra said in a message to reporters on Tuesday.

On Monday, the NBI said it thwarted the plan of three detainees led by Espinosa to bolt from its facility through a hole of the exhaust fan at the ceiling.

Guevarra, however, said that Espinosa’s transfer to another facility would need commitment orders from the courts where his cases are being tried.

“Ordinarily, unbailed individuals awaiting completion of their trial are detained in facilities of the BJMP,” he said.

“The courts will determine the appropriate BJMP facility, but we’ll recommend the most secure one. the same arrangement will be recommended for the other detainees who attempted to escape,” he added.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.