Pagtaas ng crime rate, bunga ng hindi epektibong crime prevention program — Pagdilao

admin   •   January 21, 2014   •   8240

FILE PHOTO: (Left-Right) Bangkay ng isang lalake na natagpuang patay sa isang village sa  Quezon City. May tama ng sumpak ang biktima.  Samantala, isang batang babae naman ang natagpuan patay sa  Paco,  Maynila nitong hating gabi ng Lunes. Ang mga pulis ay nakitang dugo at pamamaga sa ari ng batang babaeng ito.

FILE PHOTO: (Left-Right) Bangkay ng isang lalake na natagpuang patay sa isang village sa Quezon City nitong nakaraang araw. May tama ng sumpak ang biktima. Samantala, isang batang babae naman ang natagpuan patay sa Paco, Maynila nitong hating gabi ng Lunes. Ang mga pulis ay nakitang dugo at pamamaga sa ari ng batang babaeng ito. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Kailangang pag-aralan ng Philippine National Police (PNP) ang crime prevention program nito kasunod ng pagtaas ng krimen sa buong bansa.

Para sa isang mambabatas at dating opisyal ng PNP, ang paglobo ng krimen ay nangangahulugan na may problema sa sistema.

Ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Samuel Pagdilao, nagpapakita ito na hindi mabisa ang crime prevention program ng PNP.

“They should also turn and evaluate themselves. Tao, kasangkapan, personnel motivated ba, tama ba strategies.”

Ayon sa mambabatas, bukod sa pag-evaluate sa sariling programa, mahalagang sangkap ng epektibong kampanya laban sa kriminalidad ang makuha ang kooperasyon at tulong ng publiko.

Aniya, “If public supports PNP, I don’t see any reasons that crime can’t be prevented.”

Naniniwala naman si Pagdilao na hindi pa napatutunayang mahusay na pampigil sa pagtaas ng kriminalidad ang pagbuhay sa death penalty.

Ang kailangan aniya ay mapagtibay ang justice system sa bansa kung saan nahuhuli at napaparusahan ang mga kriminal.

“Even if crime punishable lang ng ganito pero kung mabilis ang proseso nahuli ito napatunayan at nakulong, that will be a deterrent to criminals,” pahayag pa ng opisyal. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Helpline para sa mga katanungan hinggil sa COVID-19 community quarantine, inilunsad ng PNP

Robie de Guzman   •   May 27, 2020

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ngayong Miyerkules, Mayo 27 ang Helpline 16677, isang public hotline para sa anumang katanungan o isyu hinggil sa ipinatutupad na community quarantine sa gitna ng novel coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Ayon kay PNP chief Police General Francisco Gamboa, layon ng proyekto na matiyak ang agarang pagtugon ng pulisya sa anumang reklamo o katanungan na hinggil sa mga panuntunan sa enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ).

“We want a quick response system that will immediately address and respond to the public’s concerns in the midst of the COVID-19 pandemic. The timely release of information and assistance is urgently needed by our people and the PNP’s helpline will provide just that,” ani Gamboa sa isang pahayag sa media.

Ang PNP Directorate for Operations-PNP Command Center ang magsisilbing communication hub para sa lahat ng ECQ at GCQ concerns. Bukod pa ito sa ginagawa nilang monitoring ng police operations at pag-uulat hinggil sa law enforcement activities ng PNP.

Ayon kay Gamboa, inilunsad ang proyekto sa pakikipag-tulungan ng PLDT Inc. na nagbigay ng 52 units ng mobile phones, 30 units ng pocket Wi-Fi, mga prepaid cards at ilang SMS Messaging suite.

Pagtitiyak ng PNP chief, bukas 24/7 ang PNP Helpline 16677 sa publiko. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

5 arrested, P40-M worth of suspected shabu seized in Bohol drug ops – PNP

Robie de Guzman   •   May 26, 2020

MANILA, Philippines – Six kilograms of suspected shabu (crystal meth), worth P40 million, were seized during two separate illegal drug operations in Bohol province on Monday, the Philippine National Police (PNP) said Tuesday.

A report from Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, chief of Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), said that a buy-bust operation was launched on Monday afternoon in Talibon town which yielded the arrest of drug suspect, Jaime Dajao, 44.

Arresting officers confiscated from Dajao four kilograms of suspected shabu with an estimated street value of P27 million.

In a follow-up operation conducted in Tagbilaran City, police arrested four drug suspects, identified as Lelit Dajao Sinugbojan, 44; Chellomao Pescura Curayag, 33; Junalyn Abelgas Matura, 32; and Humprey Millana Cenabre, 34.

Two kilograms of suspected shabu, worth P13 million, were seized from the suspects, as well as the buy-bust money.

PNP chief Police General Archie Gamboa assured that intensified anti-illegal drug operations will continue despite the police’s task in the government’s COVID-19 response.

“Even with the ongoing health crisis, police anti-illegal drugs operations will continue without let-up and will be unrelenting as ever,” Gamboa said.

Operasyon ng PNP COVID-19 testing facility, simula na ngayong linggo

Robie de Guzman   •   May 25, 2020

MANILA, Philippines – Magsisimula na ngayong linggo ang operasyon ng sariling testing facility para sa novel coronavirus disease (COVID-19) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, binigyan na ito ng license to operate ng Department of Health (DOH) noon pang May 22.

Una nang sinabi ng PNP na ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) facility nito ay sinertipikahan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DOH bilang isang independent testing center.

Pansamantala itong ipu-puwesto sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame habang hindi pa tapos ang 84-square meter na pasilidad sa likod ng PNP Health Service.

Ayon kay Banac, prayoridad sa testing ang pulis na dumu-duty sa quarantine checkpoints at nagpapatupad ng seguridad sa Metro Manila.

Sa huling tala ng PNP Health Service, umabot na sa 263 ang bilang ng mga pulis na nag-positibo sa coronavirus disease.

Nasa 777 probable at 575 suspect cases naman ang binabantayan sa ngayon. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.