PH rolls out Rapid Pass QR code system for frontliners’ faster passage, less contact at checkpoints

Robie de Guzman   •   April 3, 2020   •   732

MANILA, Philippines – COVID-19 frontline workers may now use QR codes for quicker passage and less person-to-person contact at quarantine control points, the government’s coronavirus task force announced Friday.

Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson Karlo Nograles said it launched on Friday the Rapid Pass System which may be used by accredited frontliners and authorized personnel to quickly pass checkpoints and lessen physical contact.

Nograles said the Rapid Pass can be secured through the website rapidpass.ph. The QR code can be printed out on paper or downloaded on their mobile phone.

The person bearing the QR code – which is similar to bar codes – can show it through their mobile phones or print it and display it on their vehicle’s windshield for scanning at checkpoints.

“Ito pong RapidPass System ay kinonceptualize po namin sa IATF para mapabilis ang sistema ng pag check ng ating mga sasakyan at mabawasan ang person-to-person contact sa mga frontliner na gumagawa ng kritikal na serbisyo sa ating mga checkpoint officers,” Nograles said.

He, however, clarified that the Rapid Pass is not a requirement, and that frontliners can still pass through checkpoints by presenting their ID.

The entire Luzon is under enhanced community quarantine from March 17 to April 12 to combat the spread of novel coronavirus disease.

Under this measure, a stay at home order is enforced with some exemptions, classes in schools are suspended, and operations of public transportation are also temporarily halted. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

Proseso sa pamamahagi ng SAP 2nd tranche, isinasapinal pa ng IATF – DSWD

Robie de Guzman   •   May 26, 2020

MANILA, Philippines – Inaasahang magpupulong ngayong linggo ang Technical Working Group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) upang isapinal ang mga proseso sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Department of Social Welfare Undersecretary Rene Paje, pinag-aaralang maigi ng IATF ang mga paraan upang mapabilis ang distribusyon ng ayuda lalo’t nadagdagan pa ng limang milyong pamilya ang mga benepisyaryo nito.

Labing-walong milyong low-income households ang inisyal na target beneficiaries ng programa ngunit dinagdagan ito matapos umapela ng tulong ang maraming mahihirap na pamilya na hindi sakop ng programa ngunit kuwalipikado sa inilatag na guidelines.

Sinabi rin ni Paje na target nilang simulan ang second tranche ng programa bago matapos ang buwan ng Mayo ngunit hindi pa tiyak kung anong petsa ito maisasagawa dahil naka-depende ito sa galaw ng local government units (LGU), partikular na sa pagsasagawa ng first tranche payout at pagsusumite ng liquidation report nito sa DSWD.

Sa huling tala ng ahensya, nasa 1,479 LGUs na sa bansa ang nakakumpleto ng pay-out sa kanilang mga benepisyaryo ngunit 44% lamang sa mga ito ang nakapagpasa ng liquidation report, na siya namang idadaan sa validation process ng DSWD.

“‘Yan po ay pina-facilitate natin sapagkat kung maari sana magawang buo, yung nationwide yung ating pagsasubmit ng beneficiaries na encoded na SAP forms sapagkat ito po dapat i-validate natin,” ani Paje.

“‘Yun po ang nasa memorandum circular at nasa procedure natin… Pero ‘yan po ay masusing pinag-aaralan ng DSWD upang mas mabilis natin at mapaaga ang distribution ng 2nd tranche,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Paje na isinusulong ng DSWD na dapat mabigyang-prayoridad sa distribusyon ng SAP second tranche ang waitlisted o ‘yung mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa ngunit hindi nakatanggap sa unang bugso ng ayuda.

 “Ang proposal po ay dapat makatanggap din sapagkat ang katumbas ng tatanggapin nila ngayon ay ‘yung first tranche, at kung sila po ay nanatili pa rin sa ECQ area, dapat makatangap sila ng para sa second tranche,” sabi ng opisyal.

Ayon kay Paje, kabilang sa mga paraang pinag-aaralan upang mapabilis ang SAP cash aid distribution ay ang paggamit ng digital payment scheme at mobile app na “Relief Agad.”

Ngunit para sa mga walang smartphones, papayagan pa rin naman aniya ang “big venue payout” o pagtitipon sa isang venue para ipamahagi ang SAP cash aid basta’t magpapatupad ng health at safety protocols.

Ayon naman sa tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao, kakatulungin nila ang pulisya at militar sa pamamahagi ng ayuda upang matiyak ang kaayusan.

Nanawagan rin siya ng pang-unawa sa publiko, lalo na ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

“Tayo ay humihingi ng pang-unawa sa ating mga kababayan na naapektuhan ng krisis at naghihintay po ng tulong o ayuda mula sa ating pamahalaan,” ani Dumlao.
 
“Sinisikap po natin na bumuo ng mga polisiya o mga panuntunan that will ensure the distribution of aid in an expeditious and effective manner,” dagdag pa niya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

Pagtitipon upang makakuha ng serbisyong pang-gobyerno at ilang sports, pinahihintulutan na — IATF

Marje Pelayo   •   May 25, 2020

MANILA, Philippines — Pinahihintulutan na ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 ang mga pagkakatipon na may kinalaman sa pagkuha ng serbisyong pang-gobyerno.

Pinahihintulutan na rin ang mga otorisadong humanitarian activity sa mga lugar na umiiral ang mahigpit na community quarantine.

Ito ay ayon sa Resolution No. 38 na pinagtibay ng IATF noong Biernes (May 22) kung saan nagkaroon ng pagbabago sa panuntunan ng pamahalaan kaugnay sa pagkakaroon ng mass gatherings. 

Kinakailangan lamang na sundin ang health protocol guidelines gaya ng pagsusuot ng masks at ang marapat na distansya o social distancing.

Gayunman, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga pagkakatipong gaya ng panunuod ng sine, concert, sporting events, entertainment activities, community assemblies, religious gatherings, non-essential work gatherings at mga katulad nito. 

Nadagdagan rin ang non-contact sports na pinahihintulutan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ay ang:

  • walking
  • jogging
  • running
  • biking
  • golf
  • swimming
  • tennis
  • badminton
  • equestrian
  • skateboarding

Ipinapaalala lamang ng IATF na bawal ang sharing ng sports equipment habang ang pagbubukas ng mga clubhouse at katulad na pasilidad ay limitado lamang sa basic operations. 

Ipinapaalala sa publiko ang mahigpit na pagpapatupad ng health standards sa lahat ng pagkakataon. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

IATF eyes limiting future lockdowns at barangay level — Galvez

Marje Pelayo   •   May 20, 2020

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force against COVID-19 is eyeing to limit the implementation of lockdowns at barangay level to spare the economy amid the ongoing crisis brought about by the coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

During an evening briefing with President Rodrigo Duterte on Tuesday (May 19), National Task Force against COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez said the plan will be in cooperation with the local government units (LGUs).

Ang ginagawa na po natin ngayon, baka hindi na tayo mag-declare ng lockdown per region but ang lockdown na lang natin ay by barangay, ” Galvez told the President. 

[What we are looking at now is, we may no longer declare region-wide lockdowns but we may limit at barangay level.]

Ibig sabihin, paliliitin na lang natin. Ang gagawin natin iyong barangay na may cases, iyon ang ila-lockdown natin para ma-preserve ang economy,” he added. 

[This means we will scale down. What we will do is, only the barangays with positive cases will be on lockdown to preserve the economy.]

Several barangays have been placed on hard lockdowns apart from the region-wide community quarantine imposed by the national government. 

Among these were Sampaloc and Tondo Districts in the city of Manila, Barangay Addition Hills in Mandaluyong and Barangay 12 in Caloocan City. MNP (with inputs from Rosalie Coz)

TAGS   ,

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.