PNP: APOR na may medical reasons, papayagang makatawid sa ibang lugar sa NCR Plus areas

Robie de Guzman   •   August 9, 2021   •   423

MANILA, Philippines – Papayagan na ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang authorized persons outside of residence (APOR) na tumawid sa ibang siyudad sa National Capital Region (NCR) at mga at karatig-lalawigan sa gitna ng ipinatutupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, papayagang makatawid sa border ng bawat lungsod at kalapit na lalawigan ng NCR ang mga APOR na ang dahilan ay may kinalaman sa kalusugan, pagpapagamot o family emergency.

Sakop ng NCR Plus ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Kabilang sa maituturing na humanitarian o medical reasons ay yung mga may appointment sa doktor, mga namatayan ng kamag-anak, may manganganak na asawa, o iba pang kahalintulad na kadahilanan.

“Hindi pipigilan ng ating kapulisan ang pagtawid ng mga may scheduled medical check-up sa ibang siyudad at ng maghahatid sa kanila,” ani Eleazar.

Kabilang din sa maaaring tumawid ng border ay ang mga magpapabakuna kahit na iba ang address ng tirahan sa lugar kung saan sila babakunahan.

“Pati ang mga naka-schedule magpabakuna sa ibang siyudad ay makatatawid sa mga border dahil alam naman natin na may mga local government units na nagbabakuna ng mga empleyado ng mga kumpanya na located sa kani-kanilang mga lugar,” ani Eleazar.

Tiniyak ng pamunuan ng PNP na alam na ng mga pulis na nakatalaga sa checkpoint ang kanilang gagawin sakaling may makasalungang APOR na may katulad na mga dahilan.

“Ang layunin ng ECQ ay para malimitahan ang paglabas ng mga tao at maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19,” ang wika ni Eleazar.

“Kaya kung wala naman tayong mahalagang lakad o kaya ay puwede naman ipagpaliban ang lakad ay mas mabuting manatili muna tayo sa ating mga bahay habang ECQ,” dagdag pa niya.

Nauna nang naglabas ang PNP ng listahan ng major category ng APOR na kinabibilangan lamang ng consumer APOR na hindi maaaring tumawid ng border at ang workforce APOR na siya lamang palulusutin sa mga checkpoint sa bawat border. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

PNP personnel may work near home this holiday season – Carlos

Robie de Guzman   •   December 9, 2021

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) personnel will be allowed to work near their homes this holiday season, police chief General Dionardo Carlos said.

In a statement, Carlos said he is giving police personnel the opportunity to be deployed near their residences to spend more time with the family.

“I am asking the Directorate for Personnel and Records Management to find a way for commissioned and non-commissioned officers to perform their duties away from their original assignments if needed,” Carlos said.

Under the scheme, police officers will be deployed to police stations which are nearest to their homes.

They can also serve as an augmentation force if there will be emergencies that will require their assistance.

The PNP chief noted that this work arrangement is not new since it was first implemented during the time of former PNP chief and now Senator Ronald Dela Rosa. The policy aims to boost the morale of police officers and put an end to the scene where children wait for their parents to come home during the holiday revelry.

“The policy of cancelled holiday vacation for police personnel will be sustained but at least they will have the opportunity to still spend Christmas with their families,” Carlos said.

PNP backs DOH’s recommendation to keep PH under COVID-19 Alert Level 2

Robie de Guzman   •   December 9, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) has expressed support to the recommendation of the Department of Health (DOH) to keep the country under Alert Level 2 amid the declining cases of coronavirus infection.

In a statement, PNP chief Police General Dionardo Carlos said the existing alert status in the country should not be downgraded yet due to the looming threat of the newly discovered Omicron COVID-19 variant.

“The time isn’t ripe yet since it’s the holiday season and we have observed more people becoming complacent to go outdoors, disregarding health protocol, and unmindful of the risks,” he said.

He also believes that a shift to a more relaxed quarantine level will affect the compliance of the public to minimum health standards.

Carlos, however, said that the PNP will abide by decision that the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases on the implementation of COVID-19 alert levels system.

“The local government units are vested the authority to issue Executive Orders that police personnel are duty bound to enforce,” he said.

Metro Manila is under Alert Level 2 until December 15. Other areas in the country have also been placed under the same level.

The DOH earlier said that the IATF is still discussing whether or not to lower the alert level in the capital region.

PNP, hindi magpapatupad ng ‘no vaccine, no entry’ rule sa police camps

Robie de Guzman   •   December 8, 2021

 

MANILA, Philippines – Hindi magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng “no vaccine, no entry” policy sa mga sibilyan na papasok sa mga kampo ng pulisya para mag-avail ng kanilang frontline services.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, hindi ipinagbabawal ang pagpasok sa kampo ng mga hindi pa bakunadong sibilyan pero paaalalahanan silang palagiang sumunod sa health protocols.

Isasailalim lamang sa screening ang mga bisita at antigen test kung kinakailangan.

“We take their temperature, we do a survey if they have illness or anything that would show that they are infected. So mag-screen kami. After screening, they are okay, we remind them of the minimum health protocol, of the policies inside the camp and then if we need to conduct them antigen, then we screen them with the antigen para lang sigurado po tayo,” ani Carlos.

Kabilang sa frontline services ng PNP ay ang pag-iisyu ng license to own and possess firearms sa FEO, lisensya ng mga security guards at permit ng mga security agency sa SOSIA at clearance ng mga sasakyan sa Highway Patrol Group.

Nauna nang ipinahayag ng PNP ang gagawing pagpapatupad ng no jab, no duty policy sa kanilang mga tauhan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.