PSG personnel on lockdown in Malacañang until April 10

Marje Pelayo   •   March 27, 2020   •   424

MANILA, Philippines — All members of the Presidential Security Group (PSG) will be on self-quarantine from March 28 to April 10.

This means all PSG staff and their dependents will not be allowed to leave the Malacañang complex within the said period.

“For all PSG personnel, I directed them to go on self-quarantine to stay in their home, to stay in their houses, except, of course, when they are on duty if they are manning their posts and other official matters, but within the complex only. Nobody goes out,” ordered PSG Commander, Col. Jesus Durante.

The lockdown was prompted by reports that a number of personalities who visited the compound appeared to have been tested positive for coronavirus disease (COVID-19).

Due to the increased risk of COVID-19 infection, President Rodrigo Duterte preferred to work from inside the Palace thus strict protocols are being observed.

The President continues to be updated with the developments around the country through phone calls and video teleconferencing as recommended by the PSG.

Meanwhile, Durante clarified that the lockdown applies only to PSG personnel.

“Office of the President personnel is to maintain their skeleton workforce and shall be allowed to go to their respective offices within Malacañang complex subject to regular screening procedures,” Durante said. MNP (with details from Rosalie Coz)

Ilang residente sa Caloocan, umaapela ng ayuda matapos palawigin ang lockdown sa kanilang barangay

Robie de Guzman   •   May 25, 2020

MANILA, Philippines – Nananawagan sa pamahalaang panlungsod ng Caloocan ang ilang residente sa Barangay 12 Dagat-Dagatan na bigyan sila ng ayuda matapos mapalawig ang lockdown sa kanilang lugar.

Ayon sa ilang residente, hindi nila napaghandaan ang extension ng barangay lockdown kaya kulang na ang supply ng kanilang pagkain.

Hindi naman sila makalabas ng bahay upang mamili ng kanilang mga kailangan.

“Paano na ang buhay namin? May tindahan sarado, bawal mamalengke. Ang pagkain namin isang linggo lang ang naka-stock e bawal po kami palabasin e,” daing ng residenteng si Angelina Duque.

Aniya, kasama niya sa bahay ang kanyang mga apo na higit na kailangang mabigyan ng pagkain kaya’t naisip niyang magpaskil sa labas ng bahay ng mga pangangailangan ng mga bata.

Ang residenteng si Zaldy Beltran, idinaing rin ang umano’y walang abisong pagpapalawig ng lockdown sa kanilang barangay.

“Siyempre hindi namin ineexpect na ganito. So talagang naalarma kami. Di namin alam na biglang ano ganito na ang sitwasyon,” ani Beltran.

Nanindigan naman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na hindi nila pinapabayaan ang kanilang mga residente at patuloy ang pamimigay nila ng relief packs.

Iginiit rin niyang para sa kapakanan ng mga residente ang pagsasailalim sa lockdown ng mga barangay lalo na sa mga may matataas na kaso ng novel coronavirus disease.

“Namimigay kami ng relief, hindi namin pababayaan… Ang mga barangay na idineklara natin na lockdown ito po ay para sa inyo, para sa ganun ay hindi na lumaganap ng husto sa inyong mga barangay,” ani Malapitan.

Nasa 34,000 ang bilang ng mga residente sa Barangay 12 at mahigit 50 rito ang kumpirmadong dinapuan ng COVID-19.

Samantala, isinailalim naman simula ngayong araw sa extreme enhanced community quarantine ang Barangay 28 sa Caloocan City matapos makapagtala ng 28 active cases batay sa datos noong May 23. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Palace contradicts DOH; clarifies PH still in first wave

Aileen Cerrudo   •   May 21, 2020

Malacañang on Thursday (May 21) clarified that the Philippines is still experiencing the first wave of the coronavirus disease (COVID-19), contrary to the statement of Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

The Palace apologized for the confusion and worry brought by Duque’s statement and said there were varying interpretations of the data.

Presidential Spokesperson Harry Roque insisted that the country is still in the first wave of the COVID-19 infection.

“Nagpapatuloy po ang first wave. Katunayan, nagpatuloy ito sa buwan ng Pebrero na may kaunti kasi na na-report at lumobo sa buwan ng March. Patuloy pong lumobo iyan hanggang sa buwan ng Mayo, kung saan nakikita natin ngayon na bumababa na (The first wave continues. In fact, it continued from February, with few reports, and ballooned in March. It continues to increase until May, where we can see there is a decline),” he said.

Roque also said Duque did not go through the protocol to inform President Rodrigo Duterte regarding the interpretation of the second wave.

READ: Duque: Philippines now on second wave of COVID-19 cases

However, the Palace official said the varying of opinions is not of importance and the government, including the public, should focus on how to prevent a second wave of COVID-19 infections.

“Ang importante maiwasan po ang pagbalik ng malawakang numero ng magkakasakit sa COVID-19. Nagkakaisa po ang gobyerno na gagawin ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang second wave (What’s important is, we prevent another increase in the number of COVID-19 cases. The government is united in doing everything to prevent a second wave),” Roque said. –AAC (with reports from Rosalie Coz)

DBM, pinahahanap ng dagdag na pondo para sa ikalawang bugso ng cash aid – Malakanyang

Robie de Guzman   •   May 15, 2020

MANILA, Philippines – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Budget and Management (DB M) na humanap ng dagdag na pondo para sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng government cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inutusan na ng pangulo si DBM Secretary Wendel Avisado na gumawa ng listahan ng mga ahensiyang maaaring pagkunan ng kinakailangang pondo para sa second tranche ng SAP.

Nasa 18 milyong mahihirap na pamilya sa bansa ang unang target na mabigyan ng ayuda sa ilalim ng government emergency subsidy program.

Aabot sa P205 milyon ang inilaang pondo para sa programa, batay sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ngunit matapos ang pamamahagi ng unang batch ng pinansiyal na ayuda, nadagdagan pa ng limang milyon ang bilang ng pamilya na humihingi ng tulong mula sa pamahalaan dahil sa matinding hirap na dinaranas sa gitna ng COVID-19 crisis.

Inaprubahan na ng pangulo ang dagdag na benepisyaryo ng programa kaya’t kailangan ngayon ng pamahalaan ng dagdag na pondo para tustusan ito.

“Inaatasan niya si DBM Secretary Wendel Avisado, suriin niya ang mga budgetary allocations ng line agencies. Tingnan kung magkano ang pwedeng ma-realign dahil nais niya sana kung pwedeng bigyan lahat ng 23 million families ng ayuda ng 2nd tranche din,” ani Roque.

Una nang inamin ng administrasyong Duterte na paubos na ang pondo ng pamahalaan para sa COVID-19 response at hindi pa tiyak kung saan kukunin ang perang ipang-aayuda sa mga labis na naapektuhan ng krisis.

Nanawagan na rin ang pangulo sa liderato ng Kongreso na tumulong sa paghahanap ng pondo para sa mga programa ng gobyerno. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.