Publiko, hinimok na ikonsidera ang safety sa holiday plans

Robie de Guzman   •   November 29, 2021   •   250

MANILA, Philippines – Umapela ang Malakanyang sa publiko na ikonsidera ang pagdaraos ng ligtas na holiday season sa gitna ng banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.

Ginawa ng Palasyo ang panawagan sa gitna ng holiday fever sa bansa.

Bahagi na ng tradisyon ng pamilyang Pilipino ang magsama-sama tuwing may okasyon at ngayong nalalapit na holiday season, marami na ang nagpaplano ng reunion sa mga mahal sa buhay at kaibigang matagal na rin nilang hindi nakakasama ng personal dahil sa pandemya.

Ngunit sa kinakaharap pa ring banta sa kalusugan, hinimok ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang publiko na mag-ingat at mahigpit pa ring sundin ang ipinatutupad na health protocols.

“’Wag po tayong magpakampante lalo na mayroon tayong variant of concern, ang Omicron. Sabi nga ng DOH, hindi ito tanong kung makakapasok ba siya sa bansa, it is really a matter of time. During the holiday season, with restrictions easing, we know many of you plan to see loved ones and friends, so we appeal to everyone to please, please, please remain vigilant,” ani Nograles.

“I would go for safety first, safety muna. Safety first for everyone, kaya napakaimportante po yung pagpapabakuna natin ngayon, let’s take advantage of this 3-day vaccination days na magpabakuna na po tayo,” dagdag pa niya.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa noon lamang nakalipas na linggo at ngayo’y napaulat na rin sa iba’t ibang bansa.

Upang mapigilan ang pagpasok nito sa Pilipinas, agad nagpatupad ng mahigpit na border control measures ang pamahalaan at ipinagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga pasaherong galing sa 14 lugar na may natukoy na local cases ng bagong coronavirus variant.

Activated na rin ang four-door policy ng pamahalaan tulad ng travel restrictions, testing, at quarantine protocols sa international arrivals. Pinaigting na rin ang granular lockdowns at COVID-19 response ng mga lokal na pamahalaan.

Pagtitiyak ng Malakanyang, agarang magpapatupad ng pagbabago sa mga polisiya ang pamahalaan kung kinaikailangan, kabilang na ang mas mahigpit na quarantine measures dahil sa banta ng Omicron variant. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Omicron sub-variant na BA.1 at BA.2 naitala na sa Pilipinas – DOH

Robie de Guzman   •   January 25, 2022

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may napaulat nang kaso ng dalawang sublineage ng Omicron COVID-19 variant sa Pilipinas.

Ang BA.1 at BA.2 ang dalawang sub-variant ng Omicron na unang napaulat sa ibang bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang BA.2 ang predominant ngayon sa mga kasong naitala sa sampung rehiyon sa bansa batay sa pinakahuling whole genome sequencing run.

Ang BA.1 naman aniya ay nakita sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol Region ay returning overseas Filipinos.

Batay sa limitadong datos ukol sa nasabing sublineage, lumalabas na wala naman itong pagkakaiba sa epekto ng parent variant na Omicron.

“Sa ngayon, kailangan natin maipaalala at tandaan ng ating mga kababayan na walang nakitang significant difference sa clinical presentation ang BA.1 at BA.2,” ani Vergeire.

“Kinakailanga pa rin po ng masusing pagaaral dahil limitado pa rin naman ang mga obserbasyo na ating nakukuha,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay nasa 535 ang kaso ng Omicron sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng DOH na maituturing nang predominant variant ang Omicron sa National Capital Region at sa iba pang bahagi ng bansa dahil patuloy pa rin ang mataas na kaso ng COVID-19.

PH’s first 2 Omicron deaths were unvaccinated elderlies with co-morbidities – DOH

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – The Philippines has reported two fatalities linked to the COVID-19 Omicron variant, the Department of Health (DOH) said.

The DOH said the two death cases were “aged more than 60 years, unvaccinated, and had pre-existing medical conditions.”

“Both were detected during the latest whole genome sequencing,” the agency said in a message to reporters.

The two patients were from Metro Manila and Central Luzon.

These are the first reported fatalities among those infected with Omicron in the country, it added.

The DOH stressed that while the Omicron variant mostly presents with asymptomatic and mild disease, data showed that the elderly, those with comorbidities, and unvaccinated are still most at risk for fatalities.

The health department also reported that 492 more Omicron cases have been detected in the Philippines based on the latest whole genome sequencing involving 714 samples.

The newly reported Omicron cases are composed of 332 local cases and 160 returning overseas Filipinos.

The indicated addresses of the said cases were from the following areas:

  • National Capital Region with 227 cases
  • CALABARZON with 76 cases
  • Central Luzon with 11 cases
  • Central Visayas with 5 cases
  • Cagayan Valley with 2 cases
  • Western Visayas, with 2 cases
  • Davao Region with 2 cases
  • Soccsksargen with 2 cases
  • Cordillera Administrative Region with 2 cases
  • Ilocos Region with 1 case
  • MIMAROPA with 1 case
  • Bangsamoro region with 1 case

The DOH said that based on the case line list, three cases are still active, 467 cases have been tagged as recovered, while there are 20 cases whose outcomes are still being verified.

This brings the total number of confirmed Omicron variant cases in the country to 535.

ALAMIN: Magandang kumbinasyon ng COVID-19 vaccine primary at booster doses

Robie de Guzman   •   January 19, 2022

MANILA, Philippines – Target ngayon ng pamahalaan na mapalakas pa ang ginagawang COVID-19 vaccine booster administration sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa at paglitaw ng mga bagong variant.

Bagaman sinasabi ng mga dalubhasa na epektibo ang lahat ng brand ng anti-COVID-19 vaccines na available sa Pilipinas, nagbigay pa rin ng ilang rekomendasyon ang mga eksperto sa bakuna kung ano ang magandang kombinasyon ng primary dose at booster shot.

Ayon kay Infectious Disease Doctor Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel, base sa pag-aaral mas mataas ang naidadagdag sa antibody level sa mga indibidwal na nakatanggap ng primary dose ng Sinovac, na nagpa-booster shot ng ibang brand gaya ng Astrazeneca, Janssen at Pfizer.

“All the heterologous regimes had spike antibody response at day 28 that were superior to homologous booster. Ang ibig sabihin nito, ‘yung nakatanggap ng Astra, Janssen and Pfizer vaccine, mas mataas yung antibody level nila kumpara doon sa nakatanggap ng sinovac as a third dose,” ani Solante.

Habang ang mga nagpabakuna naman ng AstraZeneca para sa primary dose ay magkakaroon nang mas mataas na antas ng antibody kung homologous o kaparehong brand rin ang ipina-booster shot.

“They also look at the 3rd dose of the AstraZeneca vaccine that were given to those who were initially received the AstraZeneca vaccine. They found out that antibody titers were significantly higher,” ani Solante.

“When the third dose was given using the homologous booster using the AstraZeneca nakita natin na it went up, mas doble,” dagdag pa niya.

Bukod dito, nakita rin umano sa mga pag-aaral na tumataas ang immune response ng isang tao na nakatanggap ng primary series ng Pfizer at Moderna, na nagpa-booster shot ng AstraZeneca.

“They got positive results from a preliminary analysis. It showed that this vaccine the variant-specific vaccine given as a third booster dose can increase immune response to Alpha, Beta and you also have against Delta and then Gamma,” ang wika ni Solante.

“The main point here is that with variant-specific vaccine, it can be protective against that variant and have cross-protection against other variants of concern,” giit pa nito.

Dagdag pa ni Solante, kahit pa man Beta variant-specific vaccine ang AstraZeneca, nakatutulong pa rin ito para pataasin ang antibody response laban sa Omicron variant.

Samantala, ayon naman kay vaccine expert Dr. Mario Jiz, magandang kombinasyon rin ang AstraZeneca bilang primary dose habang Pfizer o Moderna naman ang ikatlong dose.

“mRNA vaccines are the newer generation of vaccines so they are known to be very, very robust antibody responders so these vaccines especially si Moderna which is yung amount niya kasi is much higher compared to Pfizer eh… We really expect that mRNA vaccines will induce very high antibody levels,” ani Jiz.

Isa rin sa ipinunto ni Dr. Jiz, ang kahalagahan ng pagpapabakuna kahit primary series pa lamang upang magkaroon na kahit papaano ng proteksyon laban sa COVID-19.

Samantala, muli namang nag-paalala ang DOH at vaccine experts sa publiko na samantalahin na ang pagpapabakuna upang maiwasan ang pag-mutate ng virus, at pagkakaospital at matinding sintomas sakaling tamaan ng COVID-19.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.