Satellite registration booths ng COMELEC, binuksan sa apat na mall sa Metro Manila

admin   •   September 8, 2014   •   3038

Ang pagsasagawa ng COMELEC ng satellite voters registration sa mall na nagsimula na nitong Sabado at magtatapos sa Oktubre ng susunod na taon. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nitong nakaraang Mayo pa binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang registration at validation ng mga botanteng nagnanais makaboto sa halalan sa Mayo 2016.

Ngunit sa loob ng apat na buwan, kulang pa sa isang milyon ang nagparehistro at nagpa-validate ng kanilang registration.

Mababa ito sa mahigit kalahating milyong botante na target ng COMELEC na mairehistro kada buwan.

Dahil dito, nagdesisyon na ang komisyon na buksan sa mga mall ang kanilang registration.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., “The goal is to ask the people to come and register.”

“Kasi nakita namin yung report nung first two months mababa eh tapos third month mababa pa rin. So ang analysis namin, ang problem is people do not go to us, di sila nagpupunta dun sa aming election offices. So dito sa Metro Manila kako puntahan na natin sila. Let’s encourage the satellite registration system.”

Nitong nakaraang Sabado, binuksan ng COMELEC ang registration centers sa apat na mga mall sa Metro Manila kabialang ang Robinsons place sa Ermita, Maynila. Maari na ring magparehistro ang mga taga Quezon City sa Robinsons Galleria, habang sa Robinsons Forum naman ang mga taga-Mandaluyong at Robinsons Metro East sa mga taga Pasig City.

Bukas ang mga booth ng COMELEC mula Lunes hanggang Linggo, kailangan lamang magdala ng valid ID ang magpaparehistro.

“Saturdays and Sundays we’re open the whole day. Pero pag ordinary working days baka hindi kami magpu -ulltime dito. Ngayon andito lahat ng aming mga tao eh we might just have to assign one or two machines,” ani Brillantes.

“We hope that other malls, or other big malls will join Robinsons para malagyan na namin lahat.”

“Mabilis lang yung process eh, it took me just 10 minutes to finish all the applications,” saad ni Ruthie Madela, nagparehistrong botante.

“I think mas maaga mas maganda tsaka take advantage na rin nila yung ganitong pagkakataon para mabilis nilang ma process yung kanilang application.”

Magtutuloy tuloy ang satellite registration ng COMELEC  sa mga mall hanggang sa Oktubre ng susunod na taon.

May kasunduan na rin ang COMELEC at Robinsons na gagawin nila ito sa lahat ng kanilang mall sa buong bansa.

“We hope that other malls, or other big malls will join Robinsons para malagyan na namin lahat,” saad pa ni Brillantes.

Nagbabala naman ang COMELEC na hindi makaboboto sa susunod na halalan ang mga botanteng walang biometrics.

Base sa kanilang datos, may pinakamalaking bilang ng mga botanteng walang biometrics ang Metro Manila, Central Luzon at Region 4. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

CA confirms Bulay’s appointment to COMELEC

Robie de Guzman   •   December 1, 2021

MANILA, Philippines – The Commission on Appointments (CA) on Wednesday confirmed the nomination of lawyer Rey Bulay as a new Commission on Elections (COMELEC) commissioner.

Bulay got unanimous votes from the 25-man panel after the CA committee on constitutional commissions and offices conducted a hearing to determine his experience and capability to hold a sensitive government post.

President Rodrigo Duterte nominated Bulay to COMELEC in November to replace former COMELEC Commissioner Luie Tito Guia who retired in February 2020.

Prior to his appointment, Bulay served as Manila chief city prosecutor and a commissioner at the Presidential Commission on Good Government.

He also served as councilor of Muntinlupa City in the early part of his career as a public servant.

Bulay’s tenure in COMELEC will end on February 2, 2027.

Aplikasyon para sa exemption sa election gun ban at security detail recall, simula na sa Dec. 1

Robie de Guzman   •   December 1, 2021

MANILA, Philippines — Simula Miyerkules, Disyembre 1, ay tatanggap na ng aplikasyon ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections para sa exemption sa gun ban at security detail recall kaugnay ng 2022 elections.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Augustus Alba, tatagal hanggang Mayo 25 ang application period.

Batay sa Comelec Resolution 10728, ipinagbabawal ang pagdadala ng baril kapag nagsimula na ang election period sa Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022.

Kailangan ding i-recall ang lahat ng security detail na dineploy ng Police Security and Protection Group sa mga pulitiko, opisyal ng pamahalaan at pribadong indibiduwal.

 Tanging ang mga may pahintulot lamang ng Comelec ang bibigyan ng bantay.

Exempted sa recall ng security detail ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Supreme Court Chief Justice, AFP chief of staff at major service commanders, COMELEC chairman, mga kalihim ng Department of National Defense at ng Interior and Local Government, at senior officers ng PNP.

Ang mga ire- recall na security detail o protection security personnel ay isasalang naman sa VIP security and protection refresher course.

Sa lahat ng interesado ay maaaring mag-apply online sa official website ng COMELEC.

Comelec to hold nationwide mock elections before year ends

Maris Federez   •   November 30, 2021

MANILA, Philippines — The Commission on Elections (Comelec) is set to conduct a nationwide mock election on December 29, 2021 as part of the poll body’s preparations for the 2022 national and local elections.

According to Comelec Deputy Executive Director for Operations Atty. Teopisto Elnas, Jr., mock elections will be done in Metro Manila and six other provinces.

In Luzon, it shall be conducted in the provinces of Isabela and Albay. In the Visayas, it shall be held in the Negros Oriental and Leyte; while in Mindanao, the mock elections will be conducted in Davao del Sur.

In Metro Manila, the selected cities for the mock elections are Pateros, Taguig, and Pasay; while in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, it will be conducted in Maguindanao province.

In total, the mock elections will be done in 34 barangays nationwide and will target 4,800 registered voters.

Comelec spokesperson, Director James Jimenez, said the commission will meet with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) on December 4.

“To discuss the security preparations for the mock elections. Medyo ano kasi malaki yong mock elections, the mock elections will involve real voters and a real board of election inspectors. So there is a lot of concern about safety and security,” he said.

Jimenez added that the IATF is welcome to give its inputs on how the mock elections must be done.

“Hindi pa kasi final we’re just starting to prepare for it but it will be nationwide so that’s mean that it will have a location in Luzon, Visayas,and Mindanao,” Jimenez said. —/mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.