SC employees under A4 group receive COVID-19 vaccine shots

Robie de Guzman   •   June 15, 2021   •   263

MANILA, Philippines – The Supreme Court (SC) on Tuesday announced it has started the inoculation of its employees who are included in the government’s A4 or fourth priority group for the COVID-19 vaccination program.

In a statement, the SC Public Information Office (PIO) said the vaccination was held at its Training Center in Padre Faura, Manila, in coordination with the National Task Force Against COVID-19, the Department of Health, and the city government of Manila.

“The immediate vaccination of Court employees is among the short-term plans for the Judiciary of Chief Justice Alexander G. Gesmundo,” the high court said.

The Supreme Court earlier said that more than 1,900 judiciary personnel have been infected with COVID-19; 33 of them died and 115 are active cases.

More than 30,000 judiciary personnel have been included in the A4 sector of the government’s COVID-19 vaccination program. The A4 priority group includes frontline personnel in essential sectors, uniformed personnel, and local officials.

The SC PIO said that upon Gesmundo’s assumption into office, the court partnered with the Philippine National Red Cross and the De La Salle-College of Saint Benilde (DLS- CSB) on the use of the temporary isolation and quarantine facility for the employees of the Judiciary working in the ‘National Capital Region (NCR) Plus who are infected with COVID-19.

“Likewise, the Court has established an Emergency Care Unit (ECU) at the SC Compound in Manila which will temporarily accommodate and house the employees of the High Court and third-level courts afflicted with COVID-19 and are awaiting hospital confinement or referral to appropriate quarantine facilities,” it said.

The ECU has a total capacity of 55 beds to temporarily accommodate confirmed COVID-19 patients, either asymptomatic patients or with mild or moderate symptoms, who are awaiting transfer to quarantine facilities or hospital confinement due to room or bed unavailability, it added.

32% ng senior citizens sa bansa, fully vaccinated vs COVID-19 — DOH

Robie de Guzman   •   August 4, 2021

MANILA, Philippines — Nasa 32 porsiyento na ng mga senior citizen sa bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula Agosto 1, mahigit na sa 2.6 milyong senior citizen ang fully vaccinated habang nasa 2.8 milyon ang nakatanggap ng first dose.

Sa Metro Manila, halos 63 percent na ng mga senior citizen na nakalista sa master list ang mga fully vaccinated habang 68 percent naman ay nabakunahan ng first dose.

Ngunit ayon kay Dr. Beverly Ho, ang direktor ng DOH Health Promotion Bureau, malaking bilang pa rin ng mga nasa A2 priority group ang kailangang mabakunahan sa gitna na rin ng banta ng Delta COVID-19 variant sa Pilipinas.

Kaya panawagan ni Ho sa publiko, lalo na sa bawat pamilyang may miyembro na senior citizen, na kumbinsihin ang mga matatanda na magpaturok na laban sa coronavirus disease upang mabigyan sila ng proteksyon mula sa nakakahawang sakit.

“Mahalaga rin po na alam natin na ngayon lumalabas po sa ating mga datos na ang mga senior citizens nakikinig po talaga sila sa mga taong malapit sa kanila , it could be family, friends na nabanukahan na mga fellow senior citizens at mga physicians o healthcare providers na malapit rin sa kanila,” ang wika ni Ho.

Tiniyak naman ng opisyal na may ginagawa nang paraan ang mga lokal na pamahalaan upang mahikayat ang mas marami pang senior citizen na magpabakuna.

Halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng house-to-house na pagbabakuna lalo na sa mga lolo at lola na may mga karamdaman.

Katuwang ng DOH sa pagpapaigting ng vaccination program ang National Commission for Senior Citizens.

Ayon kay Atty. Franklin Quijano, ang pinuno ng komisyon, marami sa kanilang hanay ang gusto nang magpaturok pero ang problema, maraming lugar sa bansa ang limitado ang supply ng bakuna.

“We understand kasi na ang inuuna ngayon Metro Manila at ang mga lugar na may medyo mataas ang rates ng COVID, so in which case maraming nagrereklamo po sa mga areas na medyo hindi pa nabibigyan ng bakuna dahil nga po hindi pa dumarating ang mga bakuna,” ani Quijano.

“We would like to assure you marami po talagang senior citizens ang gustong magpabakuna ang problema nga lang hindi pa dumarating ang suplay dahil meron tayong priority areas,” dagdag pa niya.

Samantala, sang-ayon ang DOH sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na bilisan pa ang pagpapabakuna sa mga senior citizen lalo’t mayorya ng mga Pilipinong namamatay sa COVID-19 ay pawang mga may edad na.

“Alam po natin na talaga po all those people more than 60 years old, they actually account for more than 60 percent ng mga namamatay sa COVID-19 dito sa ating bansa,” ang pahayag ni Ho.

“Yung percentage po na namamatay na senior citizens tumataas habang tumaas po yung kanilang edad,” dagdag pa niya.

Una nang inirekomenda ng WHO na gawing prayoridad sa pagbabakuna ang mga senior citizen at may comorbidites upang mapigilan ang pagka-puno ng mga ospital ng mga pasyenteng may malalang kaso ng COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Marvin Calas)

Aklan calls for more COVID-19 vaccines, medical supplies amid surge in cases

Aileen Cerrudo   •   August 4, 2021

Aklan Governor Florencio Miraflores is calling on the Department of Health (DOH) to provide additional COVID-19 vaccines, medical supplies and equipment as the province battles surging cases.

Humihingi kami ng tulong sa IATF na, kung pwede, bigyan pa kami ng additional equipment and medicine supplies for our COVID-19 response,” he said.

During a virtual public briefing on Wednesday (August 4), Miraflores said that Aklan has logged 184 deaths from March last year to the present.

From May to July, the average daily attack rate in the province recorded an increase and is now at 22%. The official also reported that more than 80% of COVID-19 beds are already occupied.

Miraflores added that they have appealed to the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to put the province under stricter quarantine classification, from general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions to modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

9 na rehiyon sa bansa, may local cases ng Delta COVID-19 variant — DOH

Robie de Guzman   •   August 4, 2021

MANILA, Philippines — Umaabot na sa siyam na rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng local cases ng Delta COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa monitoring ng ahensiya, naitala ang mga ito sa Ilocos region, National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao at Davao.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, Director 3 ng DOH Epidemiology Bureau, nasa 165 ang naitalang local cases mula sa 216 kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa.

Sa mga carrier nito, 190 na ang gumaling habang siyam naman ang nasawi.

“Nakakatakot po but with correct messaging we can alleviate the panic that people and all sectors are experiencing because of this,” ani De Guzman.

Bagama’t dumarami ang kaso ng Delta variant sa Pilipinas, sinabi ng DOH na pinakamataas pa rin ang naitatalang kaso ng Beta variant na unang natuklasan sa South Africa.

Ngunit naniniwala ang mga eksperto na posibleng may undetected cases ng Delta variant dahil na rin sa limitadong kapasidad ng bansa sa genome sequencing.

Ayon kay De Guzman, sa ngayon ay nasa moderate risk classification ang Pilipinas dahil umabot na sa 50 porsiyento ng health system capacity ang okupado. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.