Selebrasyon sa ika-115 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, pinangunahan ni Pangulong Aquino

admin   •   June 12, 2013   •   3675

Philippine President Benigno Aquino III (R) with Manila mayor Alfredo Lim (C) pull on a rope to hoist a national flag during Independence Day rites in front of a post office in Manila Philippines 12 June 2013. Aquino spearheaded nationwide rites marking the Philippines 115th Independence Day in remembrance of the country s declaration of freedom from Spanish rule in 1898. (PHOTOVILLE International)

Si Pangulong Benigno Aquino III kasama si outgoing Manila mayor Alfredo Lim  sa pangunguna sa paghila ng watawat ng Pilipinas bilang bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day o Araw ng Kasarinlan  tapat ng Philippine Post Office sa Maynila nitong Hunyo 12, 2013. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang flag raising ceremony sa Liwasang Bonifacio sa Maynila para sa selebrasyon ng ika-115 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 12.

Alas-7 kaninang umaga ay sabay-sabay na itinaas ang bandila ng Pilipinas sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa bansa kabilang ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, Rizal Park, Pinaglabanan Shrine sa San Juan, Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, Bantayog ni Bonifacio sa Caloocan at Musoleo Delos Veteranos sa Manila North Cemetery.

Kaugnay ng pagdiriwang, isinara sa daloy ng trapiko ang ilang lugar at mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kabilang dito ang Postal Road o Muellee Del Rio Magallanes Drive extension sa paligid ng post office mula Jones Bridge hanggang Mcarthur Bridge.

Sarado rin ang southbound lanes ng Dasmariñas-Plaza Sta. Cruz, Escolta-Plaza sta. Cruz at Mcarthur Bridge, habang northbound naman ang isasara sa Jones Bridge.

Batay sa advisory ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magkakaroon ng re-routing ng mga sasakyan.

Ang mga manggagaling ng Jones flyover na dadaan ng Magallanes drive extension ay pinapayuhan na dumiretso ng Jones Bridge-Quentin Paredes.

Lahat naman ng sasakyan na manggagaling ng Rizal Avenue na dadaan ng southbound lane ng Mcarthur Bridge ay maaaring gamitin ang Dasmariñas Street, kaliwa ng Juan Luna, kaliwa ng Plaza Cervantes at kanan ng Jones Bridge.

Ang mga provincial bus na manggagaling ng Laguna at Cavite na dadaan ng Taft Avenue patungong Lawton ay pinapayuhan na kumanan ng UN Avenue at kanan ulit ng San Marcelino.

Sarado din ang Rizal Monument o north at southbound lane ng Roxas Blvd. nula Katigbak hanggang TM Kalaw simula kaninang ala-6 ng umaga. (UNTV News)

Presyo ng mga paputok at pailaw sa Bocaue, tumaas na

Robie de Guzman   •   December 31, 2020

MANILA, Philippines – Tumaas na ang presyo ng mga pailaw at paputok na ibinibenta sa Bocaue, Bulacan ilang oras bago ang pagpapalit ng taon.

Ayon kay Lea Alapide, ang president ng Philippine Pyrotechnics Manufacturer and Dealer Association, itinaas nila nang bahagya ang presyo ng tinda nilang paputok upang makabawi sa pagkalugi.

Ang dagdag-presyo ay kasunod na rin ng pagpapatupad ng total firecracker ban sa Metro Manila at ilang bayan sa Zambales at Tarlac.  

“Hindi naman po yung talagang mataas na mataas, Kung meron man pagtaas don sa mga dealers na kakaunti yung stock siguro doon sa partikular na produkto. Kung may pagtaas man P1, P2, P5. Mura lang naman po sa maliliit na items, sa malalaki naman meron P50, P100,” ang pahayag ni Alapide.

Ayon naman sa ilang firecracker vendor sa Bocaue, nagmahal na ang kemikal na ginagamit nila sa paggawa ng paputok kaya tumaas ang presyo ng kanilang mga produkto.

Ang mga paputok na tumaas ang presyo ay ang Sawa (2,000 rounds) na ngayon ay P800 mula sa dating P700, Sinturon na nasa P50 mula sa P40, Luces P30 kada 10 piraso, Fountain na nagkakahalaga ng P35, at Aerial na may presyong P5,500 para sa 168 shoots mula sa dating P4,500.

Dahil sa pagtaas ng presyo, binawasan ng ilang customer ang binibiling paputok habang ang iba naman ay mas piniling ibili na lang ng pagkain ang kanilang pera.

Una nang nagpaalala ang Philippine Natioal Police at Department of Health sa publiko na iwasang gumamit ng paputok, lalo na ang mga ipinagbabawal na uri nito upang makaiwas sa disgrasya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Nestor Torres)

Sen. Villanueva, manufacturers to appeal against the total firecracker ban

Aileen Cerrudo   •   December 23, 2020

MANILA, Philippines — Senator Joel Villanueva and other firecracker manufacturers are appealing against President Rodrigo Duterte’s directive to totally ban firecrackers in the country.

The senator said the industry has become a part of the country’s culture and suggested fixing the industry instead of totally banning it.

“Aapila tayo sa Pangulo, maipaliwanag nating husto, kung saan tayo nanggagaling. Importante talaga ang maayos na regulation, (We will appeal to the President and carefully explain our side. What’s important is to fix the regulation),” he said.

Fireworks manufacturer Joven Ong said the ban would also affect manufacturing companies that are producing quality fireworks.

“Kami nakikiusap na huwag naman sana lahat ng industry dahil meron naman gumagawa ng kalidad na pailaw, na hindi naman nakakadulot ng pinsala walang nasasaktan (We are appealing not to ban the whole industry because there are those who are manufacturing quality [fireworks] which are not dangerous),” he said. AAC (with reports from Nestor Torres)

Five suspected illegal loggers arrested in Bulacan

Marje Pelayo   •   October 16, 2020

MANILA, Philippines — Five suspected illegal loggers have been arrested in the forested area of Doña Remedios Trinidad in the province of Bulacan during anti-illegal logging operations.

The area is part of the Angat Watershed Reservation under the Proclamation No. 505.

The operation was spearheaded by the combined operatives of the DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) based in Baliwag, Bulacan together with personnel from the National Power Corporation (NPC)- Angat Watershed Team (AWAT) and the Philippine National Police (PNP) of Dona Remedios Trinidad (DRT) in Bulacan,

Authorities also seized more than 1,600 board feet of chainsawn dipterocarp lumber worth over P170,000 including three chainsaws and five motorcycles.

The forest contrabands are now under the custody of CENRO Baliwag. 

The DENR has already filed criminal charges against the suspects for violating the Forestry Code of the Philippines (P.D. 705) and the Republic Act No. 9175 or the Chainsaw Act of 2002.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.