Senado, iimbestigahan ang umano’y pagpapasa ng income tax ng Maynilad at Manila Water sa mga consumer

admin   •   July 4, 2013   •   8406

FILE PHOTO: Isang water meter ng Manila Water  (RAYMOND BALA LACSA / PHOTOVILLE INTERNATIONAL)

FILE PHOTO: Isang water meter ng Manila Water (RAYMOND BALA LACSA / PHOTOVILLE INTERNATIONAL)

MANILA, Philippines — Isang resolusyon ang isusumite ni Senador Ralph Recto sa pagbubukas ng 16th Congress para imbestigahan ang umano’y ginawang pagpapasa ng babayarang income tax ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company Inc. sa kanilang mga consumer.

Layunin umano nito na mapangalagaan ang karapatan ng mga consumer sang-ayon sa konstitusyon.

Ayon sa grupong Water for People Network (WPN), isinama umano ng Maynilad at Manila Water ang income tax payments sa kanilang operating expenses (OPEX), na nagkakahalaga ng P3.1 billion bawat taon mula taong 2008 hanggang 2012, na umaabot sa kabuoang P15.5 billion.

Sinabi ni Recto na dahil dito, posibleng hindi na matuloy ang petisyong dagdag-singil ng dalawang water company.

Ilang senador din ang umaasa na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay mabubusisi nang husto ang isyu.

“Siyempre anu yan if it’s incoming tax of the company, dapat binabayaran nila yan and that’s not something to be charge,” pahayag ni Senador Bam Aquino.

Suportado rin ni Senadora Nancy Binay ang mungkahi ng kapwa senador.

“I support yung mungkahi ni Senator Recto, siyempre as a consumers ah dapat talagang maprotektahan ang interest ng consumer.”

Ayon pa kay Recto, dapat ding pagpaliwanagin sa isyu ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kung bakit hindi agad inaksyunan ang usapin lalo’t apektado dito ang mga mamamayan.

Ang Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) at DMCI Holdings Inc. ang may malaking bahagi ng stocks sa Maynilad, habang ang Ayala Corporation naman ang pinakamalaking shareholder ng Manila Water. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Publiko, pinayuhang maglinis ng septic tank para iwas sa dagdag-sakit ngayong pandemya

Aileen Cerrudo   •   May 7, 2021

MANILA, Philippines — Perwisyo at nakakasama sa kalusugan ang dulot na dumi ng poso negro kapag inabot ito ng pag-singaw o pag-apaw.

At upang makaiwas pa sa dagdag na sakit na maaaring makuha rito, lalo na ngayong mayroong nararanasang pandemya, hinihikayat ng Maynilad Water Service Inc. ang kanilang mga customer na samantalahin ang serbisyong pagpapalinis ng septic tank sa kanilang lugar.

“Ayaw naman natin na mapuno ang septic tank natin nung sludge ito kasi ang nasa loob ng septic tank na maaaring magdulot ng bara doon sa septic tank. Magkakaroon ng epekto sa ating kapaligiran at maaari din siyang pagmulan ng iba’t ibang uri ng sakit,” ayon kay Collection and Transport Septage Management Department (CTSMD) Head Carlo Tolentino.

Ayon sa Maynilad, mahalagang malinis ang septic tank sa ating mga bahay isang beses sa loob ng lima hanggang pitong taon upang makaiwas sa anumang sakit.

“Para ma-maintain natin ang treatment capability o ang kakayahan nung septic tank na linisin ang dumi na napupunta sa kanya para ang mga dini-discharge niyang tubig doon sa ating mga estero kahit papaano ay malinis na,” dagdag ni Tolentino.

Dahil nasa ilalim pa rin ngayon ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ), tiniyak ng Maynilad na sinusunod ng mga tauhan nito ang public health standards gaya ng pagsusuot ng facemask at face shield bago pumasok sa mga bahay. May gwantes at masusing dini-disinfect ang mga hose upang masegurong hindi kakapitan ng mga virus.

“Lahat ng kagamitan nila is dini-disinfect bago magsimula at pagkatapos linisin ang isang septic tank,” ayon kay Tolentino.

Sa mga nais magpa-schedule pwedeng makipag-ugnayan sa mga naka-assign na Maynilad Zone Specialist sa inyong barangay o kaya ay tumawag sa Maynilad Hotline na 1626.

Maaari ding bisitahin ang Facebook page ng Maynilad para sa iba pang detalye at schedule ng pagpapalinis ng poso negro.

Ngayong taon target ng Maynilad na makapag-sebisyo at makapaglinis ng higit 158,000 septic tank ng mga customer nito sa Metro Manila. (Balita ni Janice Ingente)

Kilusang Mayo Uno admits distributing pamphlets, clarifies no hidden agenda in community pantries

Aileen Cerrudo   •   April 22, 2021

 

MANILA, Philippines—Kilusang Mayo Uno (KMU) has admitted to distributing pamphlets in their community pantries.

KMU Secretary General Jerome Adonis said the contents of the pamphlets is about calling for mass testing, assistance and jobs for Filipinos, as well as the call for the end of red-tagging.

Adonis said there is no hidden agenda since they have long been vocal about these issues.

“Ito po ay naging demands ng mga manggagawa at mamamayan bago pa ang mga community pantries na ito (These have long been the demands of workers and citizens even before the popularity of community pantries),” he said.

Adonis denied taking advantage of the community pantries to overthrow the administration and insisted that it is not organized by the Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

The group also called on the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) to stop red-tagging organizers and to donate instead its intel funds as assistance for pandemic-hit families.

“Hindi po totoo na ginagamit namin ang community pantry, in-adopt namin ang community pantry dahil initiative ito ng mga ordinaryong kababayan natin, mga kapitbahay (It is not true that we are using the community pantry. We adopted it because it is the initiative of ordinary citizens, and neighbors),” he said.

The KMU is also conducting a petition to provide P10,000 assistance to employees who lost their jobs due to the pandemic. However, Adonis said they are not forcing anyone to sign the petition, reiterating that their main goals is to help fellow citizens heavily affected by the pandemic.

Meanwhile, organizers of the Matatag Community Pantry and Maharlika Community Pantry in Barangay UP Village and Barangay Central in Quezon City are worried about being tagged as members of progressive groups.

“Sana po kami rin po ay mapangalagaan ang seguridad namin kasi nakakatakot. Nandoon pa rin ang pangamba na tatargetin tayo kahit wala tayong ginagawa (I hope our security is ensured because it is alarming. There is still worry that we might be targeted even though we are not doing anything wrong),” said Chang Jordan, organizer of Matatag Community Pantry. AAC (with reports from Dante Amento)

 

Maynilad, Manila Water to extend no disconnection policy until end of MECQ in NCR Plus

Robie de Guzman   •   April 12, 2021

MANILA, Philippines – Water concessionaires Maynilad Water Services Inc. and Manila Water Company Inc. will extend the implementation of their no disconnection policy until the end of the modified enhanced community quarantine (MECQ), the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) on Monday said.

“This is to inform the public that the MWSS Regulatory Office (RO) has directed Manila Water Company, Inc. and Maynilad Water Services, Inc., to extend their suspension of all service disconnection activities (whether temporary or permanent) until such time that the modified enhanced community quarantine (MECQ) has been lifted,” MWSS chief regulator Patrick Lester Ty said in a statement.

Metro Manila and the nearby provinces of Cavite, Bulacan, Rizal, and Laguna have been placed under modified enhanced community quarantine (MECQ) from April 12 to April 30.

Water concessionaires are also directed to provide an uninterrupted 24-hour water supply in their service areas.

“This is to ensure that all customers receive clean and adequate water supply for their health and sanitation requirements, especially during this difficult time of the pandemic,” Ty said.

Meanwhile, the MWSS RO asked concerned local government units to assist water concessionaires as they conduct their meter reading and billing activities during the period of MECQ.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.