Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Hunyo

Marje Pelayo   •   June 11, 2021   •   525

MANILA, Philippines — Magtataas ng singil ang Meralco ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa kumpanya, pagtaas ng generation charge mula sa wholesale electricity spot market (WESM) ang dahilan ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.

Nagkaroon rin ng pagtaas sa demand sa kuryente sa mga buwan ng Abril at Mayo dahil sa kasagsagan ng tag-init.

Bahagya ring tumaas ang buwis habang bumaba naman ang transmission charges at iba pang gastusin.

“Dala ito ng two factors. Una, tumaas ang demand in Luzon Grid. So between April and May supply month. Aside from the increase in demand, there were also challenges in the supply situation in particular the simultaneous plant outages of generation capacity,” pahayag ni Lawrence Fernandez, ang vice president at head ng Utility Economics ng Meralco.

Ang resulta, dagdag na P16.00 na singil para sa kumokonsumo ng 200 kWh; P24.00 sa kumokonsumo ng P300 kWh; P32.00 sa kumokonsumo ng P400 kWh; at P40.00 sa mga komokonsumo ng 500 kWh pataas.

Pero ayon sa Meralco, ang epekto ng mga nangyaring pagtaas ng demand noong May 31 hanggang June 3 ay hindi pa kasama sa bill ngayong buwan.

Titingnan pa kung magdudulot ito ng pagbabago sa susunod na bayarin.

Nang pumasok ang tag-ulan ay bumaba na ang demand sa kuryente pero payo ng Meralco, dagdagan ang pagtitipid. MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

TAGS   

Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Enero

Robie de Guzman   •   January 10, 2022

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng bawas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) para sa buwan ng Enero.

Ayon sa Meralco, P0.07 kada kilowatt hour (kWh) ang ibababa sa singil sa kuryente.

Katumbas ito ng P15 na bawas sa electric bill ng mga customer na kumukonsumo ng 200kWh kada buwan.

Nasa P24 naman para sa mga gumagamit ng 300kWh, P30 para sa 400kWh, at P37 para sa mga kumukonsumo ng 500kWh.

Ayon sa Meralco, ang bawas singil ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng generation charge.

 

Singil sa kuryente ng Meralco muling tataas ngayong Disyembre

Robie de Guzman   •   December 10, 2021

MANILA, Philippines – Muling tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa abiso ng kumpanya, nasa P0.314 kada kilowatt hour (kWh) ang madaragdag sa singil sa kuryente dahil sa mataas na presyo ng generation charge.

Ibig sabihin, tataas ng P62 ang bill sa kuryente ng mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P93 sa 300 kWh, P134 sa 400 kWh, at P155 sa mga gumagamit ng 500 kWh kada buwan.

Ito na ang ika-siyam na magkakasunod na buwan ng pagpapatupad ng dagdag-singil ng Meralco.

Meralco to implement series of rate increases due to Malampaya shutdown

Maris Federez   •   November 15, 2021

MANILA, Philippines — Another price rate increase awaits Manila Electric Company (Meralco) consumers this November.

Meralco, in a recent advisory, announced that it will implement a series of rate increases to start this month until March next year.

Meralco said this is due to the 20-day maintenance shutdown of the Malampaya Natural Gas Facility last October.

The rate increase that will be imposed this month is pegged at Php0.32 per kilowatt-hour.

The next increase which is at Php0.13 per kilowatt-hour will be applied from December to March.

Meralco clients consuming up to 200-kilowatt hours per month will have a P65 increase reflected in this month’s bill.

Those who consume 300 and 500-kilowatt hours per month will have Php97 and Php162 increases, respectively. —/mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.