Singil sa kuryente sa Pebrero, tataas ayon sa MERALCO

admin   •   January 29, 2015   •   7621

FILE PHOTO: Meralco meters (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinangangambahang tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na buwan ayon sa Manila Electric Company (MERALCO).

Noong nakaraang linggo, nagkulang ng 2000 megawatts ang suplay ng kuryente sa Luzon dahil maraming mga planta ang nag-shutdown.

Subalit hindi nagkaroon ng mga brownout dahil mababa ang demand bunsod ng malamig na panahon.

Ngunit ayon sa MERALCO, magkakaroon naman ito ng epekto sa bill ng mga consumer sa darating na Pebrero, dahil sa pagtaas ng bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Siniguro naman ng MERALCO na walang magaganap na brownout sa darating na Pebrero kung hindi magkakaroon ng mga forced outages sa mga planta.

“Kung walang forced outages yung mga plantang biglang mawawala sa serbisyo then malaki ang aming tiwala na hindi magkakaroon ng power outage,” pahayag ni MERALCO President and CEO Oscar Reyes.

Ngayong araw, kulang rin ang supply ng kuryente sa Luzon ng 660 megawatts dahil sa unscheduled maintenance shutdown.

Paliwanag naman ni Department of Energy Secretary Jericho Petilla, lahat ng mga maintenance shutdown ay bilang paghahanda sa power crisis ngayong darating na tag-init.

“We told everybody avoid summer and they complied kaya yung iba February talagang pinipilit nila kahit hindi mukang praktikal pipilitin nila so nagkumpol kumpol lahat so which is actually better than if you have them maintained it in summer then we have a serious problem.”

Pinayuhan naman ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makapaghanda sa krisis.

Hindi pa sigurado sa ngayon kung maipapasa sa publiko o ang gobyerno ang sasagot sa dagdag bayarin sa paggamit sa ILP sa power crisis.

Samantala, ngayong araw ng Miyerkules ay inilunsad ng MERALCO ang Power Lab, kung saan maaaring ipasuri ang inyong mga appliances upang malaman kung magkano ang konsumo nito kada oras o sa tuwing ito ay inyong gagamitin.

Sa mga susunod na buwan, ilulunsad ng MERALCO ang mga orange tag na magiging gabay ng mgtao sa pagbili ng appliance.

Halimbawa ang isang LED TV, P1.35 lang ang gastos kada anim na oraskumpara sa lumang modelo ng TV na P5.90 kada anim na oras.

Ang LED na ilaw, 24 sentimo kada limang oras na gamit, ang CFL 32 sentimo at incandescent 71 centavos kada limang oras na gami

Ang isang kilalang brand ng refrigerator naman, P18.00 ang halaga ng konsumo kada isang araw, habang ang ordinaryong washing machine ay P12.00 kada gamit.

Aayusin muna ng MERALCO ang proseso kung paano maaaring makapag skedyul ang publiko sa power lab upang maisailalim sa pagsusuri ang mga appliance. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Mayo

Robie de Guzman   •   May 7, 2021

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng panibagong dagdag sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) para sa bill ngayong Mayo.

Batay sa anunsiyo ngayong Biyernes, sinabi ng Meralco na tataas ng P0.185 kada kilowatt hour (kWh) ang singil dahil natapos na ang refund sa over recovered charges.

Bukod pa anila ito sa bahagyang pagtaas sa generation charge.

Ang dagdag singil ay katumbas ng P37 para sa residential consumers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P55 para sa 300 kWh, P73 para sa 400 kWh, at P90 para sa 500 kWh ang buwanang konsumo.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ng dagdag-singil ang power distributor.

Noong buwan ng Abril ay tumaas din ang singil ng Meralco dahil sa pagtaas ng generation charge.

Meralco announced power rate hike in April

Aileen Cerrudo   •   April 8, 2021

MANILA, Philippines — The power rate in April will slightly increase, according to an advisory of the Manila Electric Company (Meralco).

Meralco announced that a household consuming 200 kilowatt-hours (kWh) in a month will have a P17 increase in their total bill; households consuming 300 kWh per month will have a P26 increase.

For households consuming 400 kWh and 500 kWh will have an increase of P35 and P44 in their total bills, respectively.

The electric company said the power rate hike is due to a higher generation cost in the spot market. AAC (with reports from Joan Nano)

Meralco, may bawas-singil ngayong Marso

Robie de Guzman   •   March 9, 2021

MANILA, Philippines – Tatapyasan ng Meralco ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso bilang bahagi ng pagpapatupad ng refund na iniutos ng pamahalaan.

Ayon sa Meralco, aabot sa P0.36 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa singil sa March bill.

Katumbas ito ng P72 na bawas-singil para sa mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P108 para sa mga gumagamit ng 300 kWh, P144 sa 400 kWh, at P180 para sa may konsumong 500 kWh.

Ang hakbang ay kasunod ng pag-apruba ng Energy Regulatory Commission sa panukala ng kumpanya na ibalik sa mga customer nito ang nasa P13.9 bilyong halaga sa loob ng 24 na buwan.

Sa pagtaya ng Meralco, nasa P0.27 kada kWh ang ire-refund sa buwanang bill ng residential customers.

“It represents the difference between yung actual na Weighted Average Tariff at saka yung ERC-approved Interim Average Rate namin. So, mayroon kaming nakitang difference in terms of the amount which is at, sa aming estimates, is at 13.9 billion,” ang pahayag ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Ito ang ikalawang sunod na buwan na tinapyasan ng Meralco ang singil nito sa kuryente. Ito rin ang pinakamababang singil simula noong Agosto 2017.

Samantala, tiniyak naman ang Meralco na nananatili ang “no disconnection” policy nito para sa mga lifeline consumer na may bill na dapat bayaran sa March 2021.

Ang mga tinatawag na lifeline consumer ay yaong mga kumukonsumo ng kuryenteng mas mababa pa sa 100 kWh kada buwan.

Ang polisiya ay iniutos ng Department of Energy bilang tulong sa mga consumer na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.