Testing at sequencing ng samples ng international passengers vs Omicron variant, inirerekomenda ng WHO

Robie de Guzman   •   November 30, 2021   •   260

MANILA, Philippines – Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagpapaigting sa screening at sequencing ng samples ng lahat ng mga pasaherong papasok sa Pilipinas.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, isa ito sa mga mabisang paraan upang agad mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant sakaling makapasok na ito sa bansa.

Aniya, dapat muling higpitan ang screening at isailalim sa RT-PCR screening ang mga pasahero, may Omicron variant case man o wala ang pinanggalingan nilang bansa.

“Risk-based approach should not only target countries that have already confirmed the Omicron variant in travellers or in citizens. We need to be aware of the fact that many countries have limited capacity for whole genome sequencing,” ani Abeyasinghe.

“That’s why I am advocating that anyone returning from overseas should be sequenced… So that we can get a headstart on being able to detect on the arrival of the variant in the country,” dagdag pa niya.

Kailangan rin aniyang isailalim sa genome sequencing ang lahat ng samples mula sa inbound travelers na nagpositibo sa COVID-19 upang matiyak na walang makakalusot na Omicron variant sa Pilipinas.

Sang-ayon rin si Abeyasinghe sa pagpapatupad ng travel restrictions sa South Africa at iba pang mga bansang may kaso na nito dahil karapatan ng isang bansa na magpatupad ng precautionary measures mula sa anumang banta.

“WHO has always advocated a risk-based approach. So each country should consider the risk of potential information from countries that are already confirming these variants and take appropriate measures while we’re trying to determine the absolute epidemiological significance of the variant and its response to the preventive entry and protocols that we have in the country at the moment in the world,” ayon sa WHO official.

“We continue to urge countries to take a risk- based approach in assessing the likelihood of information,” dagdag pa niya.

Ang Omicron variant ay unang natuklasan sa South Africa noon lamang nakaraang linggo at ngayo’y napaulat na rin sa iba’t ibang bansa.

Sa mga inisyal na pag-aaral, pinangangambahang mas agresibo at mas nakakahawa ang variant na ito dahil sa nakita ritong mutations na mas marami pa kumpara sa Delta variant.

Ngunit giit ng WHO, sa ngayon ay wala pang malinaw na detalye para sabihing mas mabagsik nga ang Omicron variant at may epekto ito sa transmission, mga gamot na ginagamit sa severe infection at sa bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa ahensiya, mas mainam pa ring panlaban sa virus ang umiiral na health protocols gaya ng tamang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay.

Mas maigi ring magpabakuna dahil nagbibigay ito ng proteksyon laban sa COVID-19. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Omicron sub-variant na BA.1 at BA.2 naitala na sa Pilipinas – DOH

Robie de Guzman   •   January 25, 2022

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may napaulat nang kaso ng dalawang sublineage ng Omicron COVID-19 variant sa Pilipinas.

Ang BA.1 at BA.2 ang dalawang sub-variant ng Omicron na unang napaulat sa ibang bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang BA.2 ang predominant ngayon sa mga kasong naitala sa sampung rehiyon sa bansa batay sa pinakahuling whole genome sequencing run.

Ang BA.1 naman aniya ay nakita sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol Region ay returning overseas Filipinos.

Batay sa limitadong datos ukol sa nasabing sublineage, lumalabas na wala naman itong pagkakaiba sa epekto ng parent variant na Omicron.

“Sa ngayon, kailangan natin maipaalala at tandaan ng ating mga kababayan na walang nakitang significant difference sa clinical presentation ang BA.1 at BA.2,” ani Vergeire.

“Kinakailanga pa rin po ng masusing pagaaral dahil limitado pa rin naman ang mga obserbasyo na ating nakukuha,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay nasa 535 ang kaso ng Omicron sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng DOH na maituturing nang predominant variant ang Omicron sa National Capital Region at sa iba pang bahagi ng bansa dahil patuloy pa rin ang mataas na kaso ng COVID-19.

DOH coordinating with WHO over Omicron sub-variant – Duque

Robie de Guzman   •   January 24, 2022

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) is coordinating with the World Health Organization (WHO) for information about the Omicron sub-variant reported in the United Kingdom.

Health Secretary Francisco Duque III said the Omicron sub-variant (BA.2) is still a variant under investigation (VUI).

“Sa ngayon, alam ninyo, ang estado ng BA.2, itong bago na namang variant but under sa lineage ng Omicron, BA.1, ang kaniyang kategorya ay variant under investigation (VUI), hindi pa siya variant of concern,” Duque said during the Laging Handa briefing.

“So, VUI siya at ang ating EB (Epidemiology Bureau) ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng World Health Organization. Iyong country office natin ay binibigyan tayo ng pinakahuling datos patungkol sa mga katangian ng bagong variant na ito,” he added.

Health authorities in the UK earlier said they are keeping a close watch on a sub-variant of the Omicron to determine its contagiousness and severity, and how its emergence could affect the future pandemic spread. The sublineage was classified as VUI after it was found in 426 patients

UK health authorities said they have noted cases of this sub-variant this month, with data suggesting it could be very transmissible.

Duque said that based on limited data, the BA.2 appears to be more transmissible than its parent variant, Omicron.

But he reiterated that COVID-19 vaccines are effective in preventing severe and critical cases, even deaths.

“Pero so far, ang mga limitadong datos nagpapakita na hindi naman ito parang naiiba talaga sa Omicron variant. Kung mayroon man, tingnan nila baka mas matulin daw itong makahawa pero pagdating sa dalawang aspeto ng pagtugon, ang bakuna continues to be effective against severe and critical cases, therefore preventing hospitalizations and deaths,” he said.

He also repeated his earlier statements that adhering to public health protocols such as the proper wearing of face masks can help prevent infections.

“Huwag tayong tutulad sa mga ibang bansa na nagdeklara nang wala ng mask mandate; puwede nang magbukas and niluwagan ang mga restrictions, eh baka sumipa ulit. Sayang naman iyong ating mga nakamit na mga tagumpay. Baka mabalewala eh huwag naman sanang magiging ganoon,” he said.

The Philippines last week confirmed its first two deaths from the Omicron variant among 492 new cases of this lineage.

COVID-19 cases sa NCR, bumababa na pero hawaan sa mga probinsiya, tumataas – DOH

Robie de Guzman   •   January 21, 2022

MANILA, Philippines – Bumababa na ang kaso ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR), batay sa obserbasyon ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapansin-pansin ang bumabagal na ngayong hawaan ng COVID-19 sa NCR kahit may umiiral na transmission o hawaan ng Omicron variant, kumpara sa nakalipas na linggo.

“Base naman sa obserbasyon na ito, atin namang sinasabi na, oo bumabagal po ang pagtaas ng mga kaso, mayroon po tayong nakikita na parang nagpa-plateau dito sa National Capital Region,” ani Vergeire.

“But we do not look only sa number of cases kapag tayo ay nag-aanalisa ng ating sitwasyon. Tinitignan pa po natin ang ibang mga metrics na gingamit gaya ng positivity rate,” dagdag pa niya.

Ayon sa DOH, nakatulong ang mataas na vaccination coverage sa NCR kaya naman kahit tumaas ang kaso ay hindi ganoon kadami ang na-ospital at nakaranas ng severe infection.

Ngunit sa labas ng NCR, napansin rin ng DOH na tumataas naman ang kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan, dahilan upang ilagay sa COVID-19 Alert Level 4 ang ilang lugar.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 hanggang Enero 31 ay ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar.

Sa ilalim ng Alert Level 4, hanggang 10% indoor capacity lang ang papayagan sa operasyon ng mga establisiymento para sa fully vaccinated individual habang 30% naman ang outdoor capacity.

Bawal namang mag-operate ang amusement parks, casinos, mga sinehan, pati na ang pagsasagawa ng contact sports at face-to-face classes.

“Bagamat mataas na po talaga ang kanilang mga kaso ang kanilang healthcare utilization ay pumalo na po more than 70%. Now there are areas in the country na pumalo na rin po sa more than 70% ang kanilang healthcare utilization pero hindi po natin inescalate so bakit po? Dahil tinitihgnan din po natin kung magkano po ba or how much they have allocated for their ICUs and wards,” ang paliwanag ni Vergeire.

“Nakikita po natin na medyo nahihirapan na po ang mga lugar na ito that’s why the decision to escalate them compared to other areas,” dagdag pa niya.

Ganito rin ang obserbasyon ng OCTA Research group sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, inaasahang sa pagpasok ng Pebrero ay mas mababa pa ang maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa NCR,

“Even by the end of the month we are projecting just a little over 2000 cases per day in the NCR it peaked at around 18,000,” ani David.

“By Valentine’s Day, it could be at less than 1,000 cases and by the end of February it could be at around less than 500 cases. Again these are very rough projections we hope that it could guide our friends in the business sector and in the government,” dagdag pa niya.

Sa obserbasyon ng OCTA, ang pagbaba ng kaso sa NCR ay gaya ng pattern na naobserbahan sa South Africa pagkatapos ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.

Pero babala ng grupo, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa ibang lugar gaya sa Central Luzon, CALABARZON at sa Cebu City.

Dapat rin umanong panatilihin muna ang alert level sa NCR dahil mahigit pa sa 1 ang reproduction number ng rehiyon at hindi pa rin naman napuputol ang hawaan ng Omicron at Delta variant.

“Downgrading to alert level at this time might not be advisable until the NCR reaches the moderate risk just to sustain the rapid decrease that we’re seeing so that we could see those good numbers later in the moths of February,” ani David.

“Last year we almost reach a baseline of about less than 100 cases per day in the NCR,” dagdag pa niya.

Samantala, muli namang nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na sumunod sa health protocols at magpabakuna o booster upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.