Tiyansang maospital at lumala ang kondisyon, mas mataas kapag tinamaan ng Delta variant

Robie de Guzman   •   July 21, 2021   •   64

MANILA, Philippines – Halos pareho lang umano ang mga sintomas na mararamdaman ng mga pasyenteng dinapuan ng regular na COVID-19 at variants of concern, partikular na ng Delta variant.

Ayon sa Infectious Disease Expert at miyembro ng vaccine expert panel na si Dr. Rontgene Solante, ang pagkakaroon ng ubo, lagnat, pananakit ng ulo, lalamunan at katawan, at kawalan ng panlasa at pang-amoy ang mga pangkaraniwang sintomas ng isang taong may COVID-19.

 “Pareho lang ang sintomas kung ano man iyong variants of concern so walang unique na symptoms na makikita lang sa isang variant,” ani Solante.

Ngunit babala ng eksperto, mas mataas ang tiyansang maospital at maging malala ang kondisyon ng taong kinapitan ng Delta variant.

“Siguro ang isa lang kaibahan nito, if you have virus that has higher viral load iyong risk mo na ma-hospitalize will also be higher compared to the other variants of concern pero ang manifestation… it’s still the same as other variants of concern,” ang wika ni Solante.

Batay sa mga pag-aaral, mas mataas ang infection rate ng Delta variant dahil ang isang taong positibo nito ay maaaring makapanghawa ng lima hanggang walong indibidwal.

Ngunit paglilinaw ni Solante, mababa naman ang tiyansang maospital o magkaroon ng severe form ng COVID-19 ang mga taong nakakumpleto na ng bakuna.

Iginiit din ng eksperto na nananatiling epektibo ang mga bakuna laban sa COVID-19 bagaman nababawasan ang bisa nito pagdating sa coronavirus variants.

Nasa 35 na ang naitatalang kaso ng Delta variant sa Pilipinas at tatlo sa mga ito ang nasawi.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health na may naka-imbak na itong oxygen supply para sa mga ospital sa gitna ng pinangangambahang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang ma-doble ang oxygen supply sa bansa upang maagapan ang pagkasawi ng mga taong nasa severe at kritikal na kondisyon dahil sa COVID-19.

“We did inventories also across the different hospitals of the country kung saan nakita natin lahat po sila sufficient ang kanilang existing na supplies for oxygen,” ani Vergeire.

“But we would like to anticipate because, in other countries, it took them twice as much as their current needs for oxygen na kinakailangan nila because of the surge that they’ve had,” dagdag pa niya.

Bukod sa oxygen tanks, mangangailangan din ang bansa ng oxygen concentrators o makinang nagpo-produce ng oxygen, at mechanical ventilators.

“We started doing our preparations already so we coordinated with the Department of Trade and Industry. he DTI was also able to coordinate or work with the manufacturers of this oxygen in the country at nakita natin kung ilan po ang oxygen suppliers natin or manufacturers,” ani Vergeire.

“As to the mechanical ventilators, meron po tayong ventilators na bago na na- procure at iyong iba donation at ito po ay pinapakalap natin sa mga hospital ngayon na mas nangangailangan nitong mga makina na ito,” dagdag pa niya.

Ayon sa DTI, nasa 72,000 ang kayang i-produce ng oxygen tank manufacturers sa loob ng isang araw at kaya pa itong doblehin pa sa gitna ng pandemiya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

DILG hindi pabor sa reproduksyon ng COVID-19 vaccination card

Aileen Cerrudo   •   July 23, 2021

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko kaugnay ng pagpapagawa ng COVID-19 vaccination card na yari sa isang uri ng plastic card na polyvinyl chloride o PVC.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mahalaga ang vaccination card at ang mga impormasyong nakapaloob dito.

Kaya’t tanging orihinal na kopya lang nito ang dapat gamitin alinsunod na rin sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

“Madaming paggagamitan iyong vaccination card sa ating mga kababayan para makagalaw, para makapagtrabaho, para makapagbyahe. So, given this situation, kailangan po ay orihinal ang ipakita natin sa mga entry points or kaya naman sa mga mall kung tayo ay senior citizen,” ayon kay Malaya.

Paliwanag pa ng DILG, hindi na orihinal ang kopya nito kung isasaliam sa reproduksyon gaya ng paglalagay ng impormasyon sa PVC card, pagkuha ng litrato, xerox o photocopy at pagpapa-scan nito.

May banta rin sa data privacy o personal na impormasyon ng isang indibiduwal ang pagbibigay ng kopya ng vaccination card sa ibang tao o kumpanya.

Kaya payo ni Malaya, huwag sayangin ang oras, hirap at pera sa pagpapagawa ng PVC vaccination card.

Maari namang protektahan na lang ang orihinal na bakuna card sa pamamagitan ng ilang paraan upang hindi ito masira o mawala kung ito ay dadalahin.

“Kung tayo ay concerned doon sa ating vaccination card, ayaw natin itong masira o mabasa, eh di ipa-laminate na lang. Marami pong paraan para maprotektahan natin ang ating vaccination card without reproducing it or tampering with the original,” ayon kay Malaya.

Maaari namang manghingi ang isang indibidwal lalo pa ang mga pupunta sa ibang bansa ng vaccination certificate sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaring magsilbing patunay na ang isang tao ay bakunado na.

Metro Manila LGUs, naghahanda na sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – Naglagay na ng dagdag na isolation facilities ang iba’t ibang local government units (LGU) sa Metro Manila bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng COVID-19 cases bunsod ng Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, 83 isolation facilities na ang inihahanda sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at maging sa mga hotel.

Ani Abalos, kailangang maihanda ang mas maraming facility beds para maiwasan na ang nangyaring siksikan sa mga ospital nang magkaroon ng surge ng COVID-19 cases sa unang bahagi ng taon.

“We’ve had this experience before eh remember nung South African and UK variant nung tumaas in just two weeks, kumalat kaagad. Yun talaga, nagsiksikan ang mga ospital, nagsiksikan ang isolation, pero in a way kinaya naman. Talagang naghanap tayo ng mga hotels,” ang pahayag ni Abalos.

Una nang nanawagan ang Department of Health (DOH) at ilang eksperto sa mga lokal na pamahalaan na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols at contact tracing upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant lalo na sa Metro Manila.

Hinimok din ng DOH ang publiko na patuloy na sundin ang mga polisiya sa pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing at iwasan ang mass gathering.

Samantala, inihayag naman ni Department of Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya na pinag-iisipan na ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang home quarantine upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 sa isang pamilya.

“Home quarantine is no longer recommended especially dun sa mga areas na may Delta variant. Pag kayo ay nakahalubilo, kailangan dalhin kayo sa facility,” ani Malaya.

Pinaiigting na rin ang operasyon ng One Hospital Command Center upang agad matugunan ang mga kababayang mangangailangan ng atensiyong medical sa gitna ng pandemya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nunez)

Clusters of Delta variant cases seen in Northern Mindanao, Antique – DOH

Robie de Guzman   •   July 23, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Health (DOH) on Friday reported that clusters of Delta COVID-19 variant cases have been observed in Northern Mindanao and the province of Antique in Western Visayas.

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said the cluster of infections in the Northern Mindanao was seen in a family while different clusters of infections were observed in Antique.

She said one family cluster may have stemmed from an individual who came home from work and infected the household.

“Ito pong ating cluster of infection na isa, dito sa may Delta variant, nakitaan natin na mayroon isang kapamilya na nagtratrabaho sa isang lugar at umuwi sa kanilang pwesto, at doon sila po ay nagkaroon ng pagkakahawa-hawa. There is a link,” Vergeire said in a press forum.

The DOH earlier confirmed the local transmission of the highly contagious variant following the phylogenetic analysis conducted by the University of the Philippines – Philippine Genome Center, and case investigation by the DOH Epidemiology Bureau and the regional and local epidemiology and surveillance units.

The number of Delta variant cases in the Philippines rose to 47 after 12 more local cases were detected. Of these cases, three died while eight remain active.

The DOH reminded the public to continue adhering to COVID-19 health protocols, such as the wearing of face masks and face shields, social distancing and avoiding unnecessary travels and gatherings.

They must also get vaccinated against COVID-19 when it is their turn.

The DOH likewise urged local government units to shorten the duration of case detection to isolation and immediately isolate symptomatic patients, and ramp up their vaccination and prioritize the senior citizens and people with underlying conditions.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.