Tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa; supply ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga, pinahinto na

admin   •   May 12, 2014   •   7373

Makikita sa larawang kuha ng UNTV Drone ang ibinaba ng level ng tubig sa bahaging ito ng Angat Dam sa Bulacan nitong Lunes, May 12, 2014. Ayon sa awtoridad, kung hindi naman uulan sa loob ng dalawampu’t siyam na araw ay aabot na sa 170 meters ang tubig sa dam — ang water level na kung saan magdedesisyon na ang National Water Resource Board kung dapat na bang bawasan ang tubig na pinapakawalan para sa Metro Manila. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

BULACAN, Philippines  — Kitang kita sa bahaging ito ng Angat Dam ang mga bakas sa buhangin na dati ay inaabot  ng tubig pagpasok ng taginit, unti-unting natuyo at bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ala una ng hapon noong Linggo ng bumaba sa 180 meters na critical level ang dam at kaninang alas tres ng hapon ay bumaba pa ito sa 179.65 meters.

Ayon sa National Power Corporation na siyang namamahala sa Angat Dam, wala pang dapat ipag-alala kung supply ng tubig sa Metro Manila ang pag-uusapan dahil sapat pa ito sa ngayon.

Pahayag ni NAPOCOR President Gladys Sta. Rita,”Para po sa Metro Manila, normal pa po ang alokasyong ibinibigay natin until now 42 centimeters ang supply na ni release ng MWSS.”

Hindi babawasan ng National Water Resource Board ang sinu-supply na tubig ng Angat Dam sa MWSS upang masapatan ang pangangailang ng buong Metro Manila at hindi ito babawasan hanggat hindi umaabot sa 170 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Kapag umabot sa 39 cubic meter per second ang pinapakawalang tubig, magkakaroon na ng water interruption sa buong Metro Manila.

Pag-uusapan naman ng MWSS at NWRB sa May 21 kung kailangan na bang bawasan ang 42 cubic meter per second na supply ng tubig sa Metro Manila.

Umaasa ang NAPOCOR sa naging pahayag ng PAGASA na pagdating ng Hunyo ay magkakaroon na ng mga pag-ulan na makakatulong upang mapataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Kung hindi naman uulan sa loob ng dalawampu’t siyam na araw ay aabot na sa 170 meters ang tubig sa dam — ang water level na kung saan magdedesisyon na ang National Water Resource Board kung dapat na bang bawasan ang tubig na pinapakawalan para sa Metro Manila.

Eksaktong alas dos naman ng hapon nitong Lunes ng putulin na ang supply ng tubig sa mga irigasyon sa mga palayan sa Bulacan at Pampanga alinsunod sa operation protocol ng Angat Dam.

Ayon sa National Irrigation Administration, wala namang dapat ipag-alala ang mga naturang lugar dahil sapat naman ang patubig na nanggagaling sa Bustos Dam at sa Bayabas River.

Ayon naman sa MWSS, malaki ang magagawang tulong kung magtitipid sa paggamit ng tubig ang lahat.

Ani MWSS Deputy Administrator Leonor Cleofas, “Yung pagtitipid natin ay paghahanda just in case we go the worse, we want to stretch the water from Angat hindi naman pagsinabing pagtitiipid ay inaasahan na natin ang water crisis.”

Inaasahan namang bukas ay makapagsasagawa na ng cloud seeding upang makatulong sa pagpapataas ng tubig sa Angat Dam. (MON JOCSON, UNTV News)

 

MWSS, nagtakda na ng deadline sa pagbabayad ng water bill

Robie de Guzman   •   May 20, 2020

MANILA, Philippines – Nagtakda na ng deadline ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa pagbabayad ng water bills na halos tatlong buwang naipon dahil sa ipinatutupad na community quarantine.

Sa panayam ng UNTV program na Serbisyong Bayanihan ngayong Miyerkules, sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na mayroong hanggang Hulyo 31 para magbayad ng bill ang mga kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa kada buwan.

Ang mga gumagamit naman ng tubig na mahigit sa 10 cubic meters kada buwan ay may palugit hanggang Agosto 31.

Pagpapauna ni Ty, asahan na ng mga consumer ang bahagyang pagtaas ng bill lalo’t panahon ngayon ng tag-init at marami ang nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan kaya mataas ang konsumo sa tubig.

“Sana maintindihan natin, itong water bill na ito halos lahat sa mga consumer ay ito po yung water bill nila for March, April and May. During summer season din po ito, so mas mainit, mas madami ang consumption ng mga tao at alam natin since work from home halos lahat consumer,” aniya.

Nilinaw naman  ng opisyal na puwede namang utay-utayin ng mga consumer ang pagbabayad sa bill nila sa Manila Water at Maynilad.

Sinabi rin ni Ty na sa Hunyo 1 pa magsisimulang magbasa ng metro at maglalabas ng bill ang Maynilad at Manila Water.

Sa Agosto 1 naman sisimulan ng dalawang water concessionaires ang pamumutol sa serbisyo ng mga hindi makapagbabayad ng kanilang bill para sa mga kumu-konsumo ng 10 cubic meters pababa.

Setyembre 1 naman ang schedule ng service disconnection para sa mahigit 10 cubic meters ang konsumo bawat buwan.

Tiniyak naman ng MWSS na wala pa silang ipinatutupad na anumang adjustment sa singil ng tubig sa gitna ng umiiral na community quarantine.

“Importante sa atin na wala pong bills shock ayaw po natin na magulat ang ating mga consumers na bigla nalang lalaki ang kanilang water bill,” ani Ty. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

Typhoon Ambo adds 3 meters to Angat Dam’s reserve

Marje Pelayo   •   May 17, 2020

MANILA, Philippines – The water level in Angat Dam has improved in the aftermath of Typhoon Ambo in Luzon.

According to the latest reading by the Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), the weather system has added 3.09 meters of water to Angat Dam’s reserve from 187.53 meters on May 15 to 190.62 meters on 6:00 am, Sunday (May 17).

Angat’s water level is now 10 meters over its normal operating level of 180 meters.

Last week, the National Water Resources Board (NWRB) has increased domestic allocation to Metro Manila from Angat Dam to 48 cubic meters per second from 46 cubic meters per second to maintain enough supply on the duration of the government-imposed community quarantine in view of the coronavirus disease (COVID-19) crisis. –MNP (with reports from Rey Pelayo)

No reduction in Metro Manila water allocation until June — NWRB

Marje Pelayo   •   May 7, 2020

MANILA, Philippines — Water allocation in Metro Manila will not be cut until the month of June, according to the National Water Resources Board (NWRB).

Specifically, the allocation of water supply in Metro Manila from Angat Dam remains at 46 cubic meters per second in May and June. 

The agency wants to ensure that households will get enough water, especially while the enhanced community quarantine (ECQ) is in effect so that residents can maintain cleanliness and proper hygiene to reduce risk of COVID-19 infection.

Meanwhile, the PAGASA-DOST reported a continuous drop in Angat Dam’s water level. 

As of Thursday morning (May 7), the Dam’s water level was at 189.29 meters, a drop of .19 meters from 189.48 on Wednesday (May 6).

This, however, is still well within its minimum operating level of 180 meters. 

Water concessionaires Maynilad and Manila Water have assured a round-the-clock water supply among their clients except in areas where repair or maintenance works are ongoing. — MNP (with details from Rey Pelayo)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.