Unang pasyenteng may Lambda COVID-19 variant, posibleng local case – DOH

Robie de Guzman   •   August 16, 2021   •   146

MANILA, Philippines – Isang 35-anyos na babae ang unang kaso ng Lambda COVID-19 variant sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), nagmula sa isang clustering ng kaso sa Region 6 ang naitalang kauna-unahang kaso ng Lambda variant.

Hindi returning overseas Filipino worker ang pasyente kaya’t ipinagpapalagay ng DOH na ito ay local case.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, noong Hulyo 22 nag- positibo sa COVID-19 ang pasyente. Agad naman itong nag-isolate at naka-recover na.

Sa ngayon aniya ay inaalam na nila ang vaccination status ng pasyente habang patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

“Siya po currently ay nandoon sa lugar nila and we are trying to coordinate… Apparently based on record she is also pregnant,” ani Vergeire.

“Most probably, it is a local case kasi nakita na po natin siya among the persons in the community, apparently may cluster kaya siya kasama doon sa na- sequence,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng DOH na sa ngayon ay mas marami pa rin ang kaso ng ibang COVID-19 variants of concern gaya ng Alpha, Beta, Gamma, at Delta sa bansa.

Mas nakakahawa at mas mabagsik rin ang Delta kumpara sa Lambda, na sa ngayon ay itinuturing pang variant of interest.

“Ang Lambda variant, sinasabi nila, highly transmissible din siya, meron ibang literature sinasabi nila it can be the same as the Delta variant pero tinignan namin kahapon… Iyong kaniyang spread across the 26 countries where it is identified, nakita natin in 26 countries and in Latin America na hindi ganoon kabilis ang spread niya as compared with the Delta, mas predominant pa rin ang Delta variant,” ani Vergeire.

Samantala, tiniyak naman ng infectious disease expert na si Dr. Anna Ong-Lim na may proteksyon pa ring naibibigay ang mga bakuna laban sa COVID-19 variants, tulad na lamang ng Coronavac na gawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

Sa Chile, kung saan may umiiral na lambda variants, marami ang nabakunahan na ng Sinovac shots.
Batay sa datos, nakapagbigay proteksyon pa rin sa mga taga-Chile at iba pang bansa sa Latin America ang Coronavac

“You know we don’t even have to look at other countries… Predominantly ang hospitalization rate ng mga unvaccinated ay significantly higher compared to that of the vaccinated,” ani Ong-Lim.

“Sa Pilipinas, meron tayong evidence to show iyong mga naoopistal they are mostly unvaccinated sa iba’t ibang bansa ganoon din ang datos,” dagdag pa niya.

Ngunit paalala ng DOH, hindi pa rin dapat pakampante ang publiko at patuloy pa rin na sundin ang mga health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Mga bata, bawal mamasyal sa dolomite Beach sa Maynila – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 25, 2021

MANILA, Philippines – Muling nagpa-alala ang Malakanyang sa publiko na hindi pa maaaring magtungo sa mga pasyalan ang mga menor de edad sa kabila ng pagluluwag ng COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Ginawa ng Palasyo ang paalala kasunod ng muling pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Maynila nitong weekend.

Batay sa video na kuha ng UNTV drone, makikita ang kumpulan ng maraming tao sa Manila Bay pati na ang ilang pamilyang may kasama pang mga bata.

Sa dami ng taong dumagsa sa lugar, hindi na nasunod ang social distancing rule at may iba pang hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pang pumasok ang mga bata sa dolomite beach sa Manila Bay at iba pang pasyalan.

Una nang sinabi ni Roque na maaari lamang lumabas ang mga bata kung ito ay para sa pangunahing pangangailangan at outdoor exercise.

“Hindi pa po pwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata. So, unang-una nananawagan po kami sa ating mga kababayan, pandemya pa po,” ani Roque.

“Bagama’t bumababa po ang mga kaso natin eh nandiyan pa po si COVID-19. So, huwag po tayong magpabaya… Kinakailangan po mask, hugas, iwas at kung kakayanin na bakuna na,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nasa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila, na ang ibig sabihin ay mas maluwag na restriction at pagpapahintulot sa pagbubukas ng mas maraming establisimyento sa limitadong kapasidad.

Ngunit paalala ng Palasyo sa publiko, dapat pa ring mag-ingat at iwasan ang pagkukumpulan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa kabila ng mataas na vaccination rate sa rehiyon.

Dapat ring panatilihin ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang super spreader events.

“Nananawagan din po kami sa kapulisan, siguro diyan po sa Maynila, kinakailangan po ipatupad natin yung social distancing,” ani Roque.

Samantala, muli ring umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag balewalain ang ipinaiiral na health protocols upang huwag nang tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Katulad po ng lagi nating sinasabi hindi pa po tapos ang laban, andito pa po ang virus. Kailangan po tulong-tulong tayo huwag po tayong maging kampante maaaring lumabas pa ring pero kailangan mag- iingat pa rin tayo lahat,” ang paalala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, sinabi naman ni Environment and Natural Undersecretary Benny Antiporda na posibleng limitahan na nila ang dami ang mga papapasuking bisita sa dolomite beach sa Manila Bay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

“They can spend about 15 minutes and since hindi po—hindi na po 15 minutes, pinababayaan na po kahit magtagal sa loob, eh titingnan po natin at kahit tuloy-tuloy pa ho, tuloy-tuloy pa yung dating ng tao, maaari hong ibalik namin yung time limit ng pagbisita,” ang wika ni Antiporda. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

PNP to deploy more cops at Manila dolomite beach

Robie de Guzman   •   October 25, 2021

 

The Philippine National Police (PNP) on Monday said it will deploy more personnel at the dolomite beach in Manila after thousands of people flocked to the area over the weekend.

PNP chief Police General Guillermo Eleazar said he has tasked the Manila Police District (MPD) to closely coordinate with the Department of Environment and Natural Resources (DENR), dolomite beach administrators, and the local government unit on the possibility of establishing restrictions on the number of visitors and their length of stay.

He also directed the MPD to make sure that no super spreader event will occur in the area.

“Inatasan ko na ang Director, MPD na magdagdag ng pulis sa dolomite area ng Manila Bay upang tiyakin na nasusunod ang minimum public health safety protocols. Kasama sa aking utos ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang magkaroon ng maayos na sistema, lalo na sa pagdadala ng mga bata na nakita natin sa video at sa mga litrato na kumalat sa social media,” Eleazar said in a statement.

“Nauunawaan natin ang kasabikan ng ilan nating mga kababayan na lumabas dahil sa mahabang lockdown subalit hindi dahilan ito upang ipagsawalang-bahala ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ang mga batang isinama nila gayong malinaw sa patakaran na hindi pa puwede silang lumabas under the COVID Alert Level 3 status,” he added.

Last Sunday, the PNP said authorities temporarily stopped the entry of visitors when the crowd reached 4,000.

Video taken via UNTV drone also showed clusters of people visiting the dolomite beach, with some even violating the protocol on social distancing and wearing of face masks.

Eleazar reminded the public to strictly adhere to the health protocols against COVID-19 when visiting public areas to prevent the further spread of the disease.

The DENR earlier said it is eyeing the possibility of limiting to only 15 minutes the length of stay and the number of visitors to the area.

Vaccination, not a requirement to vote — Comelec

Maris Federez   •   October 25, 2021

 

MANILA, Philippines — The Commission on Elections (Comelec) maintains that there is no law that requires a person to get vaccinated first before he or she can vote in the May 2022 national and local elections.

According to Comelec Deputy Executive Director for Operations Atty. Teofisto Elnas, a voter will not be asked to present his vaccination card come election day.

“Lalo na ina-anticipate natin na on election day na meron at meron pang walang vaccination or yung mga taong hindi nagpa-vaccine for whaterver reason makakaboto pa rin sila and they are not to present ‘yong vaccination card,” Elnas said.

Comelec spokesperson Director James Jimenez, meanwhile, said there is no alternative way for a confirmed COVID-19 positive patient or those in an isolation facility to vote during the elections.

“Paano naman ‘yong may mga sakit din? May pneumonia, may cancer? Hindi naman sila makakaboto. So if you’re sick, we recommend that you stay for treatment or if you are contagious, stay away from people. I think that’s, shall we say, fair,” Jimenez said.

The poll body, however, said that they are willing to extend the voting hours so that more voters will be given the opportunity to cast their votes.

“Just in case at the end of the voting hours meron at meron pa ring mga botante na nakapila or mga botante within the voting center, uubusin yan hanggang matapos yan. Tatapusin yan. So, in effect mag-i-extend tayo ng voting hours natin,” Elnas said.

Comelec reminds voters that wearing face masks and face shields will be strictly implemented on election day.

Voter registration is still ongoing until October 30.

As of September 30, Comelec has recorded 63 million registered voters. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.