Ilang araw na lamang ay ipapasa na ni kasalukuyang Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.ang katungkulan bilang executive secretary kay Salvador Medialdea. Si Medialdea ay anak ni dating Associate Justice Leo D. Medialdea, na nakatrabaho naman ng ama ni incoming President Duterte, sa kasagsagan ng kanyang panunungkulan bilang provincial governor of Davao. Kapwa kababata at alumni sa San Beda College of Law, si Medialdea ang siyang naghain ng certificate of candidacy ng pangulo noong Nobyembre, nakaraang taon.