Leni Robredo

Maria Leonor Santo Tomas Gerona Robredo o mas kilala bilang Leni Robredo ay ipinanganak noong ika-23 ng Abril taong 1964 sa Naga, Camarines Sur, Philippines, panganay na anak ng Naga City Regional Trial Court Judge Antonio Gerona at Salvacion Sto. Tomas.

Si Leni Robredo ay isang tagapagtanggol ng karapatang pantao at aktibista ng ukol sa lipunan. Nakilala siya ng publiko nang pumanaw ang kaniyang minamahal na kabiyak, ang dating Kalihim ng DILG na si Jesse Robredo.

Bago pasukin ni Leni ang buhay politika, unang inilaan niya ang kaniyang paglilingkod sa Bicol River Basin Development Program (BRBDP), isang ahensya ng gobyerno kung saan nakilala niya ang kanilang tagapangasiwa na kaniyang naging asawa. Nang maipasa ni Leni ang bar exam, nagserbisyo naman siya sa ilalim ng SALIGAN (Sentro ng Alternatibong Lingap Panligan), isang organisasyon ng nasyunal na alternatibong grupo ng mga abogado (alternative lawyering) na tumutulong sa mga magsasaka, humihimok sa mga batang propesyunal ng batas na tumanggap ng tungkuling pamumuno, iniaalay din ni Leni ang kaniyang serbisyo ng walang kapalit at ang kaniyang kadalubhasaan sa mahihirap at (marginalized sectors) lalong-lalo na sa malalayong komunidad ng mga probinsya.

Naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur noong 2013 si Robredo nang tanggapin niya ang buhay politika habang patuloy din sa pagganap ng kaniyang tungkuling bilang isang ina sa kaniyang tatlong anak na babae.

Naglingkod din si Leni bilang Senior Vice Chair of the Committee on Revision of Laws and Vice Chair of the Committee on Good Government and Public Accountability. Isa ring aktibong miyembro ng Appropriations, Human Rights, Local Government, People’s Participation, Public Information, Rural Development, Suffrage and Electoral Reforms, Welfare of Children, Women and Gender Equality, Bicol Recovery and Economic Development, at Land Use committees.

Nakatuon ang pansin ni Leni Robredo sa pagpapaunlad ng rural na mga lugar, pagsuporta sa mga kababaihan at pagpapabuti sa pamumuno, isinasaayos din niya ang partisipasyon ng mga mamamayan sa lokal na gobyerno at maihatid ang pangunahing pangangailangan ng mahihirap at mabigyang aksyon ang estruktural na di pagkakapantay-pantay.

Ang ilan sa mga isinumiteng bills ni Robredo ay ang National Food Security Bill of 2015, Anti-discrimination Bill of 2013, People’s Participation in Budget Deliberation Bill, People Empowerment Bill of 2014, Full Disclosure Bill at ang Freedom of Information Bill.

Nagtapos si Leni sa University of the Philippines School of Economics noong 1986 at kinumpleto niya ang kanyang digri sa University of Nueva Caceres noong 1992.

Sources:

http://lenirobredo.com/about-leni/

https://en.wikipedia.org/wiki/Leni_Robredo