Napili naman ni incoming President Duterte ang kanyang presidential campaign manager na si Leoncio ‘Jun’ Evasco Jr., bilang kanyang cabinet secretary. Naunang inalok si Evasco sa pagkasekretarya ng DILG ngunit kalauna’y tinanggihan niya ito. Nagkasalubong ang kanilang landas sa kulungan noong kapanahunang si Evasco ay isang rebelde habang si Duterte ay isang prosikyutor/prosecutor. Samantala, si Evasco ay tatlong (3) beses nang naupo bilang alkalde sa lungsod ng Maribojoc, sa lalawigan ng Bohol.