Martin Andanar

Mula naman sa hanay ng mga mamamahayag, ang anchor ng TV5 news na si Martin Andanar ay isa sa magiging kabalikat ng pangulo sa presidential communication. Maiuugat ang Duterte-Andanar sa ama ni Adanar na si former DILG Usec for Administration Wencelito Andanar, na noon ay naluklok bilang DILG Secretary ng dating Pangulo Gloria Arroyo noong 2006. Samantala, ang nakatatandang Andanar ay isang masugid na taga-suporta ng partido ni incoming President Duterte, ang PDP-Laban. Bilang PCOO Chief, si Andanar ang hahawak sa mga ahensya sa gobyerno sa pagpapalaganap ng mga impormasyon mula sa mga kaganapan sa ihahatid sa publiko gaya ng PTV4, Philippine Information Agency at Radyo ng Bayan.