Executive Mansion, handa na sa inagurasyon ni VP Leni

QUEZON CITY, Philippines — All set na ang preparasyon para sa inauguration mamaya ni Vice President-elect Leni Robredo sa Executive Mansion sa New Manila na mas nakilala noon na Boracay Mansion.

Nagtayo ng temporary roofing tent sa harapan ng mansyon kung saan inilatag ang nasa limang daang upuan na nakapalibot sa gitnang entablado.

Naglagay din ng dalawang L.E.D. sa pagdarausan at red carpet na diretso sa main door ng mansion.

Pag pasok sa loob ng mansyon agad na makikita ang dalawang grand stairs at kumikinang na chandelier sa lobby.

Makikita din ang logo ng bise presidente na sagisag ng pangalawang pangulo ng Pilipinas.

Nakalagay naman sa hallway ang mga painting ng mga naging pangulo ng Pilipinas.

Nagdesisyon si Robredo na dito na mag-opisina imbis na sa Coconut Palace sa Maynila na ginamit ni vice President Jejomar Binay.

Binuksan na nga ang gate kaninang alas sinco ng umaga at maaga naman itong isasara mamayang alas siete ng umaga para sa seguridad.

Habang inaasahan naman na sisimulan ang inauguration ceremony ni Robredo mamayang alas dies y media ng umaga.

(UNTV News)

Leave a Reply

captcha

Please enter the CAPTCHA text