Emilio Aguinaldo

Kauna-unahang Pangulo ng bansa, Emilio Famy Aguinaldo.

Ipinanganak noong ika-22 ng Marso sa Cavite Viejo, ang dating pangalan ng Kawit, sa probinsya ng Cavite.

Nagmula siya sa isang mayamang pamilya.

Sa edad na 17, si Emilio Aguinaldo ay nagsilbi bilang “Cabeza de Barangay” ng Binakayan.

Noong 1895, sa pagpapatupad ng “Maura Law,” naging kauna-unahang “Gobernadorcillo Capitan Municipal” naman sya ng Cavite Viejo, sa edad na 26.

Ngunit isang taon bago siya maupo sa pwestong ito ay sumali sa isang sikretong organisasyon si Aguinaldo. Isang grupong may layuning patalsikin ang mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas upang makamit ng bansa ang kasarinlan nito. Katipunan ang tawag sa nasabing grupo na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.

“Magdalo” ang gamit niyang bilang pangalang pandigma.

Naging mahaba at mapangahas ang pakikidigma ni Aguinaldo sa ilalim ng bubong ng idelohiya ng Katipunan.

Lumaban siya sa mga dayuhang mananakop.

At noong ika-12 ng Hunyo, 1898, nagbunga ang katapangang ipinakita ng mga Pilipino. Idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya.

Ito ang pahina sa kasaysayan ng bansa kung saan pinaka-naalala si Aguinaldo.

Anim na araw matapos ang pagdedeklara ng Philippine Independence, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal, na matapos lamang ang limang araw ay kanyang pinalitan at tinawag na isang rebolusyonaryong goberyno, kung saan siya ang tumatayong Pangulo. 28 taon laman noon si Aguinaldo.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pormal na naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa pagkakaproklama ng Malolos Constitution noong ika-21 ng Enero, taong 1899.

Hindi katagalan mula nang maitatag ang Unang Republika, sinakop ng Amerika ang bansa, dahilan upang magdeklara ng giyera si Pangulong Aguinaldo laban sa mga Amerikano.

Pinamunuan niya ang gobyerno ng ilang taon habang pilit na iniiwasang madakip ng mga military ng Estados Unidos. Isang pangyayaring naganap noong ika-23 ng Marso 1901 sa Palanan, Isabela.

Ika-10 ng Abril 1901, nanumpa ng kanyang katapatan si Presidente Emilio Aguinaldo sa Estados Unidos bilang pagkilala sa soberenya ng Amerika sa Pilipinas.

Dito nagtapos ang kanyang pagka-Pangulo at ang pagbagsak ng Unang Republika.

Emilio Aguinaldo, ang Unang Pangulo ng Pilipinas.

Ibang Pangulo

Benigno Aquino III

Termino : 2010-2016

Gloria Macapagal-Arroyo

Termino : 2001-2010

Joseph Estrada

Termino : 1998-2001

Fidel Ramos

Termino : 1992-1998

Corazon Aquino

Termino : 1986-1992

Ferdinand Marcos

Termino : 1965-1986

Diosdado Macapagal

Termino : 1961-1965

Carlos P. Garcia

Termino : 1957-1961

Ramon Magsaysay

Termino : 1953-1957

Elpidio Quirino

Termino : 1948-1953

Manuel Roxas

Termino : 1946-1948

Sergio Osmeña

Termino : 1944-1946

Jose P. Laurel

Termino : 1943 - 1945

Manuel Quezon

Termino : 1935 - 1944