Carlos P. Garcia

Matapos masawi si Pangulong Ramon Magsaysay dulot ng pagbagsak ng sinasakyan niyang eroplano, pinanumpa ang kanyang Bise Presidenteng si Carlos Garcia upang punuan ang nabakanteng pwesto.

Ipinanganak sa Talibon, Bohol noong Nobyembre 4, 1896 si Pangulong Garcia.

Isang guro, abogado, manunula at ekonomista si Garcia bago pa man pumalaot sa mundo ng pulitika.

Bilang Presidente ng Bansa, naging tatak ng adminstrasyong Garcia ang kanyang “Filipino First Policy.”

Sa polisiyang ito, sinigurado ng kanyang gobyerno na mabibigyan ng higit na pabor sa aspeto ng oportunidad na makapagpalago ng negosyo ang mga mamumuhunang Pilipino kumpara sa mga banyagang mangangalakal.

Nilabanan din ni Pangulong Garcia ang komunismo sa bansa noong siya ang pangulo. Sa bisa ng Republic Act No. 1700, ipinagbawal ang pagsapi sa rebolusyonaryong organisasyon na sumusuporta sa komunismo.

Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang panahon pagpaparenta ng mga base militar ng Amerikano sa bansa ng hanggang 25 taon na lamang, mula sa orihinal na 99.

Sa kabila ng mga nai-ambag ni Pangulong Garcia sa bansa, hindi siya pinalad na manalo para sa kanyang pangalawang termino. Tinalo siya sa halalan ng kaniyang Bise Presidente noon na si Diosdado Macapagal.

Matapos na hindi palarin sa halalan, bumalik si Garcia sa Tagbilaran, upang ipagpatuloy ang kanyang pribadong pamumuhay.

Namatay siya noong ika-14 ng Hunyo 1971 dahil sa atake sa puso sa edad na 74.

Sa kasalukuyan, ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani. Si Garcia ang unang pangulo ng bansang inilibing sa naturang lugar.

Carlos Garcia, ang ika-walong Pangulo ng Pilipinas.

Ibang Pangulo

Benigno Aquino III

Termino : 2010-2016

Gloria Macapagal-Arroyo

Termino : 2001-2010

Joseph Estrada

Termino : 1998-2001

Fidel Ramos

Termino : 1992-1998

Corazon Aquino

Termino : 1986-1992

Ferdinand Marcos

Termino : 1965-1986

Diosdado Macapagal

Termino : 1961-1965

Ramon Magsaysay

Termino : 1953-1957

Elpidio Quirino

Termino : 1948-1953

Manuel Roxas

Termino : 1946-1948

Sergio Osmeña

Termino : 1944-1946

Jose P. Laurel

Termino : 1943 - 1945

Manuel Quezon

Termino : 1935 - 1944

Emilio Aguinaldo

Termino : 1897-1902