Isa sa pinaka-kontrobersyal na naging Pangulo ng Pilipinas.
Ipinanganak noong ika- 9 ng Marso, taong 1891 sa Tanauan, Batangas.
Nagtapos ng kanyang abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915 at nagsimulang manilbihan sa gobyerno bilang clerk sa Bureau of Forestry Code Committee habang siya ay kasalukuyang nag-aaral ng abogasya.
Nahalal bilang Senador ng Bansa sa unang pagkakataon noong taong 1925.
Naging delegado ng 1935 Constitutional Convention kung saan siya napabilang sa tinaguriang “Seven Wise Men” of the Convention.
Si Laurel ang nanguna sa paghahain ng mga probisyon sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas.
Bagaman kilala bilang pangulo, nagsilbi rin si Laurel bilang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Sa katunayan, kinikilala siya na isa sa pinakamagaling na Supreme Court Justices sa kasaysayan ng bansa dahil sa mga desisyong kanyang ginawa na naging basehan ng istraktura, limitasyon at kapangyarihan ng bawat sangay ng Pamahalaan.
Noong panahon ng pananakop ng Hapon, matapos lumisan sa bansa ni Pangulong Manuel Quezon, nabuo ang isang Provisional Government. Ito ang Second Philippine Republic, na kanyang pinamunuan.
Sa kanyang pamamahala, kagutuman ang pinakamatinding suliraning kanyang hinarap dala ng nagaganap na giyera.
Sa kabila ng kaguluhan, nagpatuloy ang pamamahala ni Pangulong Laurel habang tayo ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Hapon.
Noong1944, sa pamamagitan ng Proclamation No. 21, idineklara ni Laurel ang Martial Law sa bansa. Sinundan ito ng Proclamation No. 30, na nagdedeklara naman ng pakikidigma ng Pilipinas laban sa Amerika at United Kingdom. Dahil sa mga nangyari sa ilalim ng Laurel Government, maraming Pilipino ang tumutol sa kanyang pamumuno.
Matapos ang naging pagsugod ng Amerika, gamit ang bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, sumuko ang mga Hapon na naging senyales ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Laurel. Sa pamamagitan ng isang Executive Proclamation, idineklara ni Laurel ang pagtatapos ng kanyang rehimen noong ika- 17 ng Agosto, 1945.
Noong termino lamang ni Presidente Diosdado Macapagal kinilalang lehitimo ang kanyang pagiging Pangulo ng Bansa.
Sinubukan muling makabalik sa pwesto ni Laurel, ngunit natalo siya kay Sergio Osmeña sa isang halalang inilarawan bilang pinakamaduming eleksyon sa bansa nang panahong iyon.
Nakabalik naman sa senado si Laurel noong 1951. Bagama’t hinimok na muling tumakbo sa pagka-pangulo, matapos ang kanyang termino bilang senador ay nagpasya siyang magretiro na sa pulitika.
Jose Laurel, ang Ikatlong Pangulo ng Pilipinas.